Twenty years later "AND SIR, I would like to inform you, too, that Mr. Stavros Christakis is already dead. But before that, he had left you a letter." Ipinatong ng sekretaryang si Demetria ang white envelope sa desk ni Nikos. Habang tinitigan iyon ay pinalabas na niya ang sekretarya sa loob ng opisina. Pero sa halip na buksan ang letter ay iniwan lang niya iyon basta sa mesa at tumayo sa swivel chair. Naglakad si Nikos papunta sa glass wall ng opisina at pinagmasdan ang New York Sky Line. Sa ngayon ay nasa main office siya ng Haven Group of Companies o HGC—ang kompanya na pagmamay-ari niya at ng lima pang kaibigan mula pa noong bata pa. Funny how orphans like them were not just a simple man they used to be. Ngayon ay pagmamay-ari na nila ang pinakamalaking kompanya na nangu

