Seven years ago, Santorini Greece "NAGNININGNING na naman ang mga mata mo, bru," komento kay Irene ng kaibigang si Bryan, o Brianna para sa mga may alam sa totoong estado nito. Kaklase niya ito noong high school at itinuturing niyang best friend. Dahil halos isang taon din na hindi nagkita ay niyaya siya nitong lumabas nang makabalik siya sa Greece. Nag-aaral si Irene ng Interior Design sa isa sa mga ivy schools sa Paris, France, samantalang si Brianna ay nanatili sa Greece para mag-aral dahilan upang matagal silang hindi nagkita. Bakasyon niya ngayon sa college kaya umuwi siya. Isama pa na ilang araw mula ngayon ay gaganapin ang eighteenth birthday niya. Days from now, she would be called a lady. Excited na siya. "Alam mo kung bakit," nakangising sagot niya sa kaibigan sa wik

