"WHO TOLD you that you can bring someone to my birthday?" may-pagka-brat na kompronta ni Irene kay Nikos nang sa wakas ay ma-corner niya ito at masolo. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ng lalaki sa pag-iinarte niya ngayon. Galit siya. Hindi siya makakapayag na magdala ng ibang babae si Nikos sa pamamahay nila. Worst, isinama pa nito iyon para sa birthday niya. Kumunot ang noo ni Nikos. "Why the fuss, Irene? Wala ka namang sinabi sa akin noon na bawal akong magdala ng kahit sino para sa birthday mo. Hindi ba noon kapag nagdadala ako ng kaibigan kapag may okasyon sa bahay ay hindi ka naman nagagalit? Bakit ngayon ay ipinapakita mo na naman sa akin 'yang pagiging brat mo?" Humalukipkip siya. "I don't like her! Pauwiin mo siya pabalik sa Harvard o sa Pilipinas. I don't

