“BUHAY na buhay pa rin talaga ang industriya ng comics sa bansa natin.” “At dahil iyon sa pagsisikap ng anak natin. I’m so proud of you, Luka.” Nginitian ni Luka nang matipid ang kanyang mga magulang na masayang-masaya sa katatapos lang na comics convention ng kanyang Crackers Comics. Dinayo ng comics enthusiasts ang event na iyon. Panay papuri ang natanggap niya at ng mga talented artist na kasama niya roon. Binigyan daw nila ng bagong bihis ang Pinoy comic books. Pinakapinuri ang bagong drawing style na ipinamalas ng kanyang mga artist na patuloy raw sa pag-e-evolve. “Magagaling at masisipag lang po talaga ang mga kasama kong artists ng Crackers Comics kaya naging successful kami kahit tatlong taon pa lang kami,” sabi niya sa mga magulang niya. Kasalukuyan silang naglalakad papasok

