PANCAKES, fried rice, hot dogs, bacon, eggs, cheese, bread and hot coffee. Ang mga iyon ang naabutan ni Luka sa kanyang kusina nang umagang iyon. “Good morning, elyen girl!” And of course, a very loud and very gorgeous Khaki in an apron. Ang ganda ng simula ng umaga niya. Tumango lang siya at umupo na sa harap ng mesa. “Anong oras ka ba pumupunta rito sa bahay ko?” “Five o’clock in the morning. Sharp.” Hinubad nito ang apron bago umupo sa harap niya. “What do you want to eat?” “Bread lang.” “Okay.” Pero sinangag, dalawang hot dog, isang sunny-side up, at bacon strips ang inilagay nito sa plato niya. “'Sabi ko, bread lang.” “Mas maganda ang heavy meal sa breakfast. Saka nagpakahirap akong magluto pagkatapos bread lang ang kakainin mo? Eh, di sana bumili na lang ako ng pandesal.” “

