HUMINGA nang malalim si Khaki. Buong gabi na nakalingkis sa braso niya si Monica habang kinakaladkad siya sa bawat sulok ng malawak na hardin ng mansiyon ng pamilya nito. Inuulan tuloy sila ng tukso ng mga kaibigan nila. “Monica, would you please let go of my arm? Hindi naman ako tatakas, eh,” naiiritang sabi niya rito. Lumabi ito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa braso niya. “You’re still my boyfriend, Khaki.” Niluwagan niya ang kurbatang suot. “Monica, hindi na 'ko natutuwa sa ginagawa mo. May girlfriend man ako o wala, tapos na ang pagpapanggap ko bilang boyfriend mo.” Marahas na inalis niya ang kamay nito sa braso niya na halatang ikinagulat nito. Bumakas ang hinanakit sa mukha nito. “Khaki, you’ve changed. Hindi ka naman dating ganyan. You’ve always been nice and gentle

