Aubrey's POV Patago akong bumaba ng sasakyan ni Xander. Sinabay niya kasi akong pumasok para hindi ako malate. "Ano bang ginagawa mo?" Asar na tanong ni Xander sa'kin. Tinanggal ko ang notebook sa mukha ko at tumingin sa kanya. "Ayokong madumog ng fans mo." Bulong ko sa kanya. Baka nakakalimutan niyang mainit pa 'ko sa mga estudyante? Tsk. Nagulat ako nang hawakan niya ang wrist ko at saka siya naglakad ng mabilis. Lalo akong namula nang pagtinginan kami ng mga estudyante. Loko talaga 'to! Patay na naman ako nito. Nang makarating kami sa room ay pabalibag niya 'kong pinaupo sa upuan ko. Nagdadabog siyang umupo sa right side ko. Problema nito? Ako na nga 'yung hinihila niya eh! "What's the meaning of this Xander Fuente?" Nangising saad ni Lucas sa harapan namin. Kinindatan niya ako p

