Sabelle's POV Hindi ako makapapayag na ipagpalit mo ako Victor! Sisiguraduhin kong luluha ng dugo ang sinumang magtangkang agawin ka sa akin. Minsan na kitang inagaw kay Amanda! Hindi ako makapapayag na makuha ka lang sa'kin basta-basta! Pinagmasdan ko ang natutulog kong asawa. Hinaplos ko ang natutulog nitong mukha. Matagal na ang nakalilipas nang makita ko ang totoo niyang ngiti. Noong buhay pa si Amanda... Nuong buhay pa ang babaeng mahal niyang totoo. Kahit masakit alam kong naging panakip butas ako para makapiling lamang si Vic. Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Sinadya kong lasingin siya nu'ng gabing nagcelebrate kami ng Birthday ni Amanda. Para pikutin siya. Para pakasalan niya 'ko ng walang kalaban-laban. Lahat ng babaeng nagtangkang lumapit sa kanya ay pinagbantaa

