Aubrey's POV "Ano ba! May sakit ka na nga't lahat nakuha mo pang mang asar." Malakas kong sermon sa kanya. Ngumuso naman siya na parang bata. "Is that how you treat a sick person Aubrey?" Kunyari nagtatampo pa niyang sabi. "Bakit ka ba kasi nagkasakit? Saglit lang. Kukuha ako ng bimpo." paalam ko sa kanya. Aalis na sana ako para maghanap sa closet niya pero agad niya 'ko pinigilan. "Wait! Just stay here with me." Tinaasan ko siya ng kilay pero nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin. Ano na namang problema ng kumag na 'to. "Hindi ka gagaling kung uupo lang ako sa tabi mo. Pupunasan kita para mawala 'yang lagnat mo." Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mata niya pero agad rin 'yung nawala. "Pupunasan mo 'ko?" Nakangiti niyang tanong. May mali ba sa sinabi ko? "Bakit?" Umi

