Aubrey's POV Bakit ngayon ko lang na-realize? Oo nga pala. Kaya familiar sa akin ang uniform ng Golviogo University dahil kay Blue. Suot niya 'yun kaninang umaga. "Ang tahimik mo naman." nakangiting saad ni Blue. Pilit naman akong napangiti. Katabi ko siya sa upuan. Parang bigla akong nailang. Makakalaban ko pala siya. Wala kasi sa itsura niya ang sumasali sa mga ganitong competition. 'Yung dating niya kasi ay parang gangster. "Bakit kaya 'di ako nito pinapansin." parinig niya at nilabas ang cellphone niya. Tahimik lang akong nakatingin sa harapan at hinihintay magsimula ang competition. "Ladies and gentleman please rise." Sumunod naman ang mga tao sa loob ng silid at katahimikan ang namayapa ng pinatugtog ang pambansang awit. "Naiilang ka ba sa'kin?" Basag ni niya sa katahimikan

