Aubrey's POV Dahil ito ang last na question bago magtapos ang Quiz bee. Hindi ko maiwasang huwag mag-expect ng mahirap na tanong. Baka kasi mamaya ang itanong sa amin ay 'yung mga tanong na kahit mismo mga professionals hindi masagot. Binatukan ko 'yung sarili ko mentally at tumingin sa unahan. Hindi dapat ako madistract para masagot ko ng ayos ang tanong. Sumulyap ako kay Blue na seryoso ang mukha. Mukha talagang ayaw niyang magpatalo at mapahiya sa mismong school nila. Paano na ako nito? Hindi naman ako katalinuhan. Hindi ko pa mas'yadong kilala si Blue pero sa pinakita niyang kagalingan kanina baka may higit pa siyang talinong ibubuga. Eh ako? Ano ba 'yan. "Are you ready?" Tanong ng speaker na agad naman naming tinanguhan. Ngumiti ang lalaking ng makahulugan na ipinagtaka ko.

