Chapter Two

1802 Words
Agnes’ POV NGAYON ko lang nalaman na hindi pala totoo iyong mga napapanood ko sa mga movies na sa unang gabi ng bagong kasal ay nagtatalik sila. Dahil sa pagod namin ni Tristan sa aming kasal ay nakatulog na siya pag-uwi namin sa bahay namin. Bahay namin. Ang sarap namang sabihin, ang sarap pakinggan. Simula kasi ngayon, kung ano na ang pagmamay-ari ng isa’t isa ay pagmamay-ari na rin ng isa. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay na naipatayo ni Tristan para sa aming dalawa at sa magiging anak namin. Meron iyong dalawang kwarto, isang hindi ganoon kalaking salas at kusina. Isang tipikal na bahay lang pero walang problema iyon sa akin. Basta kasama ko si Tristan ay ayos na ako doon. Isang mechanical engineer si Tristan sa malaking manufacturing company dito sa Laguna at sa trabaho niyang iyon ay nakaipon siya sa pagpapagawa ng bahay na ito. Nauna nang humiga si Tristan sa akin at nakatulog. Hinubad ko na ang aking wedding gown at nagpalit ng pambahay. Tumabi na ako sa kaniya at ipinatong ko ang aking kamay sa dibdib ni Tristan. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Alam kong malungkot siya kanina dahil hindi dumalo ang mga magulang niya. Nag-iisang anak lang siya tapos wala ang mga ito. Hindi kasi tanggap ng parents niya ang relasyon namin. Ayaw ng mga ito sa akin para kay Tristan dahil sa trabaho ko dati. Ngunit kahit na ayaw ng magulang niya sa akin ay ipinaglaban pa rin niya ako. Kaya naman mas lalo ko siyang minahal dahil doon. At hinding-hindi ko makakalimutan ang gabi na nagkakilala kami ni Tristan. Dahil sa gabing iyon, nag-umpisa na ang magagandang pagbabago sa aking buhay… -----ooo----- “AGNES, may gusto daw tumeybol sa’yo,” ani Lulu sa akin nang puntahan niya ako sa dressing room. Kakatapos ko lang sumayaw at nagpapalit na ako ng damit. Medyo makati kasi itong pangsayaw ko kaya pagkatapo ng show ko ay nagpapalit na agad ako. Itinirik ko ang mata ko dahil tinawag na naman niya ako sa tunay kong pangalan. “Pwede ba, Lulu, kapag nandito tayo sa bar ay huwag mo akong tawagin sa totoo kong pangalan? Ilang beses ko na kayang sinabi sa’yo 'yan!” Naiiritang turan ko. Hinubo ko na ang panty ko at nagpalit ng bagong panty. Nagsuot ako ng maikling short na maong. “Ang init naman ng ulo. Hindi ba pwedeng nakalimutan lang? Aryana. Okay na ba, Aryana?” “Good!” Ngumiti ako sa kaniya. “Teka nga, sino na naman ba ang te-table sa akin? Sana naman huwag matanda na kulubot ang balat! Umay na umay na ako. Tatlong gabing sunud-sunod na thunders ang nagte-take out sa akin!” “Ay, bes! Iba ngayon ang magte-table sa iyo. Baka kapag nakita mo siya, ikaw pa ang magbayad. Gwapo, bes! Yummyness overload. Batang-bata!” “Joke ba iyan? Baka maniwala ako, umasa ako, ha.” “Kailan ba naman kita niloko? Kung maganda lang akong katulad mo baka ako na lang tumeybol do’n, e. Ay, siya… bilisan mo na diyan. Table number eight. Balik na ako sa work. Bye!” Pagkaalis ni Lulu ay nag-retouch na ako ng make-up. Totoo kaya iyong sinabi niya na gwapo iyong costumer ko ngayon. Sana naman, 'no. Para naman hindi mga pangit at matatanda lang ang nakikinabang sa katawan ko. Matapos mag-make up ay nag-spray ako ng mumurahing pabango na nabili ko sa Avon. Hindi ko pa nga ito tapos bayaran. Sinisingil na ako no’ng isa kong katrabaho na pokpok na pinagbilhan ko nito. Bruha siya. Maghintay siya kung kailan ako magkakapera. Hindi ko naman siya tatakbuhan! For the last time bago lumabas ng dressing room ay tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa aking harapan. Ginulo-gulo ko nang bahagya ang aking buhok na kinulot ko kanina para mas maging kaakit-akit ang aking hitsura. Okay na 'to. Maganda na ako. Tumayo na ako at nagpunta sa mismong bar. Nagpunta ako sa table number eight at may tatlong lalaki na nag-iinuman doon. Lahat sila ay bata at gwapo pero iyong lalaking nakasuot ng kulay gray na t-shirt ang umagaw sa aking atensiyon. Maputi siya at maganda ang balat. Iyong ngiti niya, maganda rin. Matangos ang ilong at may tamang kapal ang labi. Makapal ang kilay at medyo chinito. Sa tingin ko din ay matangkad siya at mukhang mabango! Grabe lang. Sana naman ay siya ang te-table sa akin para naman makabawi ako sa mga sunud-sunod na matatandang naging costumer ko nitong huli. “Hello, boys!” Nilakasan ko talaga ang boses ko dahil medyo maingay sa bar. Tumingin silang tatlo sa akin kaya nag-smile ako. Iyong ngiting may landi. “Sino sa inyo ang te-table sa akin? By the way, my name is Aryana!” Inilahad ko ang kamay ko at nakipag-shake hands naman sila sa akin. Iyong dalawa ay nakangiti sa akin pero iyong isang lalaki na type ko ay parang nahihiya naman. Hmm… Shy type? Iyan ang gusto ko. Iyong mga inosente! “So, sino sa inyo? Or kayong tatlo ba? Kung kayong tatlo, triple din dapat ang bayad ninyo, ha…” “Ah, hindi kaming tatlo. Ito lang kaibigan namin!” sagot no’ng isa at itinuro nito iyong pinaka gwapo na type ko. Kapag sinuswerte ka nga naman! Totoo nga ang sinabi ni Lulu na yummyness ang costumer ko ngayong gabi! Humila ako ng isang upuan at tumabi doon sa lalaki. “Anong pangalan mo?” Nilagyan ko ng landi ang aking pagsasalita. “Tristan…” Halos hindi siya makatingin sa akin. Pasulyap-sulyap lang. “Aryana, bigyan mo ng magandang experience iyang kaibgan namin, ha. Aba, graduate na kami at lahat sa college ay hindi pa nararating ang langit!” kantiyaw ng isa sa mga kasama nito. “Tumigil nga kayo!” saway nito sa mga kaibigan. Kinuha ko ang kamay ni Tristan at ipinatong iyon sa aking legs. “Okay lang. Sanay na ako sa mga inosenteng katulad mo, Tristan…” ani ko sabay kindat. Natural na lumalabas ang kalandian ko dahil sa kagwapuhan ni Tristan! -----ooo----- TI-NAKE-OUT ako ni Tristan ng gabing iyon. Naka-dalawang bucket kami ng beer kasama ang dalawa niyang kaibigan at nag-decide na sila na umuwi. Inihatid ko sila sa labas tapos biniro ng dalawa si Tristan na sana naman daw ay magkaroon na ito ng experience sa s*x dahil twenty-two years old na ito. Nakainom kaya pumayag. Humantong kaming dalawa sa isang motel na hindi ganoon kalayo sa bar. Nauna na akong maligo sa kaniya. Binilisan ko na lang dahil three hours lang ang binayaran namin. After kong maligo ay siya naman ang naligo. Habang nasa loob siya ng banyo ay isinuot ko na ang aking nighties na bestfriend ko kapag ganitong sasabak ako sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama ng sexy. Kita ang mapuputi kong hita. Bumukas na ang pinto ng banyo. Lumabas si Tristan na naka-sando at boxers shorts. “Halika… Tumabi ka sa akin…” Umupo naman siya sa tabi ko. “Bakit naman nakasando at shorts ka? Dapat naghubad ka na lang…” Hindi siya sumagot. Mukhang kinakabahan. Nakayuko lang siya. “Bakit parang hindi mo ako tinitingnan, Tristan? Pangit ba ako?” “Hindi!” mabilis niyang sagot. “Ang totoo nga niyan, napakaganda mo, Aryana…” “Edi, tingnan mo ako!” Hinakawan ko ang baba niya. Iginiya ko ang mukha niya paharap sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mapupula na parang ang sarap halikan. Ako na ang kumilos. Marahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Pero nang halos ga-hibla na lang ang layo niyon ay umiwas siya. “Ayaw mo sa akin?” Medyo nainsulto ako sa ginawa niyang pag-iwas. Nag-toothbrush at mouthwash naman ako kaya sigurado akong hindi mabaho ang aking hininga. “Pasensiya ka na…” “So, walang mangyayari? Sayang naman iyong binayad mo. Ikaw din… Ikaw ang lugi, hindi ako.” “Magkwentuhan na lang tayo.” Seryoso ba ito? Lalaki ba talaga si Tristan o baka naman bakla? Sayang naman kung bakla siya. Ang gwapo, e! “Umamin ka nga sa akin. Bakla ka ba?” diretsong tanong ko. “Hindi!” tigas-tanggi niya. “E, bakit ayaw mong makipag-s*x sa akin? Ang sabi no’ng dalawa mong kaibigan, wala ka pang experience.” Mahina siyang tumawa. “Naniwala ka naman sa kanila. Nagbibiro lang naman ang mga iyon, e. May experience na ako sa s*x. Sa totoo lang, nang makita kita kanina na sumasayaw ay nagandahan agad ako sa iyo kaya pinatawag kita para maka-table.” “May crush ka sa akin?” “To be honest… yes!” Hindi ko napigilan ang kilig na lumukob sa akin. Marami naman ang nagkaka-crush sa akin pero iba nang si Tristan ang nagsabi niyon. “E, bakit ayaw mong may mangyari sa atin? Walang kaso iyon sa akin. Trabaho ko iyon.” “Dahil gusto lang kitang mas makilala, Aryana… Kahit ganiyan ang trabaho mo, gusto kong may lalaking magpaparanas sa iyo kung paano igalang dahil ano’t ano pa man ay isa ka pa ring babae.” Tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni Tristan. First time kasi na may lalaking nagsabi sa akin ng ganoon. Lahat ng naging costumer ko, kapag nasa motel na kami ay ihihiga na agad ako at lalaplapin. Si Tristan… iba siya. Kaya naman naluha ako dahil doon. Siyempre, babae pa rin ako. Gusto ko pa rin na itinuturing akong prinsesa o reyna kahit na ganito ang uri ng trabahong meron ako. Pinunasan ko agad ang aking mga luha. “Pucha naman, o! Bakit mo ba ako pinapaiyak?” Pinilit kong tumawa dahil baka kapag hindi ko ginawa iyon ay humagulhol ako ng iyak sa sobrang touch sa sinabi niya. At nang gabing iyon ay wala kaming ginawa ni Tristan kundi ang magkwentuhan. Nagkwento siya ng tungkol sa buhay ko at ako naman ay ganoon din. Naging bukas kami sa isa’t isa. Kaya naman nalaman ko ang lahat sa kaniya. Wala din naman akong inilihim sa kaniya. Kinulang kami sa tatlong oras namin sa motel na iyon kaya nag-extend pa si Tristan ng tatlong oras pa. Ang saya niyang kausap, ang dami niyang kwento. At doon ay nakita ko kung gaano siya kabait. Kaya naman nang maghihiwalay na kami ay sinabi ko sa kaniya ang tunay kong pangalan. “Agnes. Agnes ang totoo kong pangalan!” sabi ko sa kaniya sabay ipit ng isang papel na may numero ko sa bulsa ng pantalon niya. Kumaway ako sa kaniya matapos magpaalam. Alam ko, hindi pa iyon ang huling pagkikita namin ni Tristan… TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD