Chapter Three

1885 Words
Agnes’ POV KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Parang kusa akong nagising ng ganoon kaaga para bumangon at magluto ng almusal namin ni Tristan. Marahil ganito talaga kapag may asawa ka na, kusang gagalaw ang katawan mo para gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang misis. Wala pa rin pasok sa trabaho niya si Tristan. Isang linggo pa siyang naka-leave sa kaniyang trabaho. Pero bago sumabak sa pagluluto sa kusina ay naligo muna ako ng mabilis para naman presko ang aking pakiramdam. Ang isinuot ko ay isang over-sized na T-shirt at panty at bra lang ang aking panloob. Matapos iyon ay pumunta na ako sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kong lulutin para sa almusal. Ang sarap pala sa pakiramdam na may asawa ka na. Iyong feeling na hindi na ako mag-isa sa buhay. May katuwang na ako sa lahat ng bagay gaya ng mga problema at kung anu-ano pa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinakasalan ni Tristan sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Noong magkasintahan pa lang kasi kami ay ilang beses naming naging problema ang mga babaeng iyon. May times na nagseselos ako talaga at nakikipag-away. Pero pinakita naman sa akin ni Tristan na ako lang talaga ang mahal niya hanggang sa pakasalan na niya ako kahit tutol ang mga magulang niya. Naiintindihan ko naman ang mga magulang ni Tristan kung bakit ayaw nila sa akin para sa anak nila. Hindi maganda ang nakaraan ko. Dati akong pokpok at ilang lalaki na ang dumaan sa aking katawan. Napakarumi ko nang iharap ako ni Tristan sa dambana. Kaya nga nagbago na talaga ako. Tinalikuran ko na ang ganoong trabaho at itinapon ko na ang mga ugaling nakuha ko sa bar. Katulad ng mahilig magmura at bastos magsalita at kumilos. Gusto kong maging karapat-dapat ako kay Tristan hanggang sa matanggap na ako ng mga taong nakapaligid sa kaniya lalo na ng mga magulang niya. Binuksan ko ang ref. May itlog, bacon at ham doon. Inilabas ko ang tatlo dahil may nakita akong loaf bread sa cabinet. Iyon na lang muna siguro ang aming almusal habang hindi pa kami nakakapag-grocery. Uunahin kong lutuin ang itlog. Kumuha ako ng tatlo at binasag iyon sa isang mangkok. Nilagyan ko ng asin at paminta. Binati ko iyon gamit ang tinidor. Sa may dining table ko iyon ginawa. Habang nagbabati ako ng itlog ay nagulat ako nang may biglang yumakap mula sa aking likuran. May mainit na hininga na tumatama sa aking batok. Itinali ko kasi pataas ang buhok ko para hindi maging sagabal sa aking pagluluto. “Good morning, asawa ko…” Ang tila inaantok pa na boses ni Tristan ang narinig ko na aking ikinangiti. Ang sarap kasing pakinggan no’ng “asawa ko”. “Ang aga mo naman. Paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Akala ko, iniwan mo na ako.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Para kang sira diyan! Bakit naman kita iiwan?” turan ko at ipinagpatuloy ko ang pagbabati ko ng itlog habang si Tristan ay nakayakap pa rin sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na may hawak ng tinidor. “Huwag iyan ang batihin mo…” pabulong niyang sabi. Kinuha niya ang tinidor na hawak ko at ipinatong iyon sa lamesa at pinihit niya ako paharap sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin ni Tristan. Boxers shorts lang pala ang suot niya at wala siyang pang-itaas. Kitang-kita ko ang katawan niyang tama lamang ang laki. May matipuno siyang dibdib pero wala siyang abs. Medyo may tiyan nga siya, e. Pero para sa akin ay mas lalo iyong nakadagdag sa appeal niya. Hindi rin naman ako mahilig sa mga lalaking bato-bato ang muscles sa katawan. Mas gusto ko iyong katulad ng kay Tristan na tama lang. Hay… Kahit magulo ang buhok niya ay napaka gwapo pa rin niya talaga! Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinayaan kong dalhin niya iyon sa gusto niyang pagdalhan. “Ito na lang muna ang batihin mo…” Inilapat ni Tristan ang kamay ko sa ibabaw ng p*********i niyang sobrang tigas. Handang-handa na iyon sa nagbabadyang laban. Napalunok ako sa ginawang iyon ni Tristan. Sa totoo lang, simula ng ligawa niya ako hanggang sa maging kami ay tinotoo niya talaga iyong sinabi niya noon na igagalang niya ako. Hindi niya ako ginalaw kahit minsan ay ako na ang nagbibigay sa kaniya ng motibo. Kaya naman ngayong mag-asawa na kami lang niya iyon gagawin at hinding-hindi naman ako tututol. Hinawakan ni Tristan ang magkabila kong beywang. Binuhat niya ako at iniupo niya ako sa gilid ng lamesa. Sa pagtatama ng aming mga mata ay agad ding naglapat ang aming mga labi. Hinalikan niya ako na para bang uhaw na uhaw siya. Nilabanan ko naman ang kaniyang mapangahas na halik. Hinubad na niya ang suot kong damit at ang tanging natirang saplot sa aking katawan ay ang aking panloob. Ibinaba na rin niya ang kaniyang boxers shorts at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang kaniyang p*********i. Kinabig ko siya sa batok at muli kaming naghalikan. Napunta ang dalawa niyang kamay sa aking likuran at tinanggal ng mga iyon ang hook ng aking bra. Nang tumambad kay Tristan ang aking malalaking dibdib ay nagmistula siyang sanggol sa pagsuso sa mga iyon. Ako naman ay napapikit at napapaliyad dulot ng masarap na sensasyon na ibinibigay ng mainit na bibig niya sa aking dibdib. Hanggang sa naging malikot na ang mga kamay ni Tristan. Naglakbay ang kamay niya papunta sa loob ng aking panty. Dinama niya ang aking p********e. Pinaglaruan niya ang aking bukana kaya naman halos mabaliw na ako sa kakaungol dahil sa sarap. Maya maya pa’y biglang bumaba ang mukha niya at tumapat iyon sa pagitan ng aking dalawang hita. Marahan niyang hinila paibaba ang aking panty. Nakatingin lang ako sa kaniya habang malalim ang aking paghinga. Tumingin siya sa akin bago niya isinubsob ang bibig niya sa aking p********e. Napapikit ako nang dilaan niya iyon. Halos panawan na ako ng ulirat ng paglaruan niya ang aking bukana gamit ang malikot niyang dila. Ipinapasok niya iyon at kinikiwal-kiwal sa loob. Basang-basa na ako at hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako kahit iyon pa lang ang ginagawa sa akin ni Tristan. “Tristan… Oh… Tristan…” Hindi napigilang ungol ko na sinundan ko ng pagkagat sa aking labi. Dahil sa ayaw kong labasan nang hindi kami magkasabay ay hinila ko si Tristan paitaas at hinalikan ko ulit ang labi niya. Maingat naman niya akong hinila palapit sa kaniya. Nagdikit ang aming mga kaselanan habang kami ay naghahalikan. Hinawakan ko ang p*********i ni Tristan para igiya iyon papasok sa aking bukana. Nang naa tapat na iyon ay marahan akong pinasok ni Tristan. Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit nang maramdaman ko ang kaniyang katigasan sa aking kaloob-looban. Marahang gumalaw si Tristan. Ngunit hindi naglaon ay naging mabilis na ang paglalabas-pasok niya. Nagsalo na ang mga ungol naming dalawa na tila musika sa aking tenga. Palipat-lipat ang labi niya sa aking labi at leeg. Ilang sandali pa ay sabay naming naabot ang langit. Sumabog ang mga bituin sa paligid namin at nanginig ang aming katawan habang magkayakap. Ninamnam ko ang pagsabog ng mainit na katas ni Tristan sa aking loob. -----ooo----- HINDI na kami nakapag-almusal ni Tristan ng umagang iyon. After ng pagtatalik namin sa kusina sa ibabaw ng lamesa ay dinala niya ako sa aming kwarto. At doon, sa pangalawang pagkakataon ay inangkin niya ako. Kakatapos lang ng aming pagtatalik. Nakaunan ako sa dibdib niya habang may kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng aming katawan. Nakatingin lang kami sa kisame dahil hanggang ngayon ay ninanamnam pa rin namin ang sarap ng aming pinagsaluhan kani-kanina lang. Marami nang lalaki ang aking nakatalik pero masasabi kong iba si Tristan sa lahat. Mas ramdam ko ang pagiging babae ko sa kaniya. Itinuturing niya akong parang isang babasaging kristal. Ingat na ingat siya sa akin. Masarap pala talaga na makaniig ang mahal mo kesa sa ginagawa mo lang iyon dahil sa pera. Kaya naman nagpapasalamat ako ng husto kay Tristan dahil inalis niya ako sa madilim kong nakaraan. Siguro kung hindi ko siya nakilala, malamang ay nandoon pa rin ako sa bar at nagtitinda ng laman. “Asawa ko, ilang anak ang gusto mo?” Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong sa kaniya. Kusang lumabas na lang iyon sa aking bibig. “Gusto ko marami, asawa ko. Mga lima para isang team ng basketball. Puro sila lalaki!” dama ko ang saya sa pagsagot na iyon ni Tristan. Alam ko naman kung bakit. Noon pa mang magkasintahan pa lang kami ay palagi niyang sinasabi sa akin na gusto niya ng malaking pamilya. Hindi niya kasi naranasan ang magkaroon ng ganoong uri ng pamilya dahil iisang anak lang siya. Kaya naiintindihan ko kung bakit gusto niya ng mas maraming anak. “Lima lang?” “Aba… Ilan ba ang kaya mo, ha?” “Kahit ilan. Kahit isang dosena pang anak ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo!” “Talaga lang, ha…” Maingat na gumalaw si Tristan at pumaibabaw siya bigla sa akin. “Kung ganoon, dapat tinatrabaho na natin iyang isang dosenang anak!” May pilyong ngiti na nakapaskil sa gwapo niyang mukha. Pinigil ko ang matawa dahil doon. “Ha? Anong ibing mong sabihin?” Pa-inosente ko pang tanong kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. Inalis niya ang kumot sa aming katawan. “Round three?” “Kaya mo pa ba ng round three?” “Oo naman. Kakayanin ko para sa isang dosenang anak!” aniya. Malakas akong napatili nang pugpugin niya ng halik ang aking leeg at dibdib. Ilang sandali pa’y mga ungol na lang naming dalawa ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon. Hindi ako sigurado kung seryoso ba si Tristan sa sinabi nito na gusto nito ng isang dosenang anak. Pero kung seryoso siya, handa akong ibigay iyon sa kaniya. Mahal na mahal ko si Tristan at lahat ng makakapagpasaya sa kaniya ay handa kong ibigay at gawan ng paraan. Malaki ang nagawang maganda ni Tristan sa aking buhay kaya hindi naman siguro kalabisan sa akin kung ibigay ko ang gusto niyang maraming anak. Parang nakikini-kinita ko na tuloy kung ano ang magiging pamilya namin ni Tristan balang-araw. Marami kaming anak at halos hindi kami magkandatuto sa pag-aasikaso sa mga iyon dahil sobrang lilikot nila. Pero kahit malikot sila ay masaya pa rin kami lalo na si Tristan. Mamahalin ko siya at ang magiging mga anak namin. Magiging mabuting asawa at ina ako sa kanila. Lahat ay gagawin ko para maging masaya lang silang lahat. “Mahal na mahal kita, Agnes…” Paanas na wika ni Tristan sa pagitan ng paghalik niya sa puno ng aking tenga. “Mahal na mahal din kita, Tristan. Salamat. Maraming salamat…” buong puso na sagot ko habang may luhang naglalandas sa aking mga mata. Iyon ay luha ng kaligayahan dahil alam ko, simula sa araw na ito ay magiging masaya na ang bawat paggising ko. At iyon ay dahil sa aking mahal na asawa na si Tristan. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD