CHAPTER 16

497 Words
Sofia's POV Pagkagising ko, pakiramdam ko hindi maganda yung pakiramdam ko. Pag ganito may menstration ako. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame habang hawak yung puson ko. Hindi ko yata kayang bumangon dahil sobrang sakit ng puson ko. Nakakahiya nasa bahay pa ako nila hannah. Pabangon na yata ako ng sumakto naman na pumasok si jaden. "Good morning mama." "Good morning." Matamlay na bati ko bago dahan-dahan tumayo dahil namamalipit yung puson ko. "M-mama may d-dugo sa palda niyo." Tinignan ko yung likuran ko ng makita ko na may dugo nga yung uniform ko. Tumingin ako kay jaden nababakas sakanya ang pag-aalala. "Baby nandyan ba si tita hannah mo?" Tanong ko. Tumango siya. "Opo mama." "Pwede bang makisuyo anak. Tawagin mo si tita hannah tapos pwedeng manghiram ka ng hot compress." Nag-aalangan na sabi ko. "Osige po mama. Sandali lang po." Jacob's POV Pagkabalik ko sa bahay nadatnan ko si jaden na baba ng hagdan. "Tita. Tawag po kayo ni mama at pahiram daw po ng hot compress." Sabi ni jaden. "Baka meron siya." Sabi ni mom. "Dali po tita. May d-dugo." Nag-aalala na sabi ni jaden. "Anong nangyari sakanya?" Tanong ko ng makapasok ako sa dinning. Tumingin sakin si jaden. "M-may dugo kasi yung p-palda ni mommy." Bigla akong napatakbo papunta sa kwarto ni jaden at nakita ko si sofia na nakahawak sa may pintuan ng cr at hawak pa yung puson niya. Lumapit ako sakanya saka siya tinitigan. "What happen?" Nag-aalalang tanong ko. Magsasalita na sana siya pero pinili na lang siyang tumahimik. "Sabihin mo na." Napansin ko na namula siya. "May m-menstration ako." Mahinang sabi niya pero hindi nakaligtas sakin. Binuhat ko siya at dinala sa cr. "A-anong gagawin mo?" "Iuupo kita, hintayin mo si hannah paparating na yun." Sabi ko. Pagkaupo ko sakanya nakaupo pa din siya. "P-pasensiya na. Nakita mo pa yun dapat hindi makita." Nahihiyang sabi niya. Napangiti ako. Yumuko ako para magpantay kami. "That's nothing okay?" Sabi ko. Hinalikan ko siya sa labi bago lumabas. Dumeretso ako sa kwarto ko na may ngiti sa labi. Normal lang siguro yon para sa mga babae. Sofia's POV Napatulala ako dahil sa ginawa ni jacob. Bakit niya ba ginagawa sakin to? Umiling ako. Hindi. Hindi. Nakaupo lang ako sa bowl ng pumasok si hannah na may dalang napkin. "Sofia, eto." Ibinigay niya sakin yung napkin at tinanggap ko naman. "Salamat. Pwede bang makisuyo pakikuha nung bag doon sa upuan." Ilan segundo lang ay pumasok ulit si hannah na dala yung bag. Lumabas si hannah at ako naman ay nagpalit. Pagkalabas ko nakita ko si hannah at jaden na nakaupo sa kama. Tumingin sakin si jaden. "Okay na po ba kayo mama?" Tanong nito at ibinigay sakin yung hot compress. Tumango ako. "Okay na baby." Nakangiting sabi ko. "Mabuti na man po." Nakangiting sabi nito. Dapat ko bang ikabahala ang nangyayari ngayon at sa mga susunod na araw? Saka bakit naman ako nababahala? Dahil ba natatakot ako? Wala naman dapat ikatakot ngayon ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD