CHAPTER 17

632 Words
Sofia's POV Kasalukuyan akong nagtuturo at napatingin ako kay jaden na nakaupo sa likuran, sobrang tahimik niya sa tuwing napapansin ko siya pero pag kami yung magkasama ang daldal niya. "Okay, itago niyo na yung mga notebook niyo. Recess time niyo na." Sabi ko sakanila bago umupo sa desk ko. "Jaden." Tawag pansin ko. Tumingin siya sakin na may pagtataka. "Come here." Sabi ko sakanya. Wala naman pag-aalinlangan na lumapit siya sakin. "Bakit po mama?" Tanong nito ng makalapit siya. Tinatawag niya lang ako na mama pag magkasama kami pero pag nagtuturo ako teacher yung tawag niya. "Wala lang, kunin mo yung brownies sa bag ko. Para sayo yun." Sabi ko. Binuhat ko siya at pinaupo sa mesa ko. "Pero paano po kayo mama? Hindi ka kakain?" Tanong nito. Umiling ako. "Okay lang ako baby." Sabi ko. Kinuha niya yung pagkain sa bag ko ng kumain na siya bigla niyang itinapat sakin yung brownies. "Kagat po mama." Sabi nito. Ngumiti ako sakanya saka hinaplos yung buhok niya. "Teacher, may naghahanap po kay jaden." Tumingin ako kay jaden bago tumingin kay terria. "Sino daw?" Tanong ko. "Daddy niya daw po." Sabi nito bago kami iniwan ni terria. "Mama, ang ganda po ni terria." Nakangiting sabi ni jaden. "Crush mo no?" Ngumiti siya at tumango. "Hanggang crush lang okay? Masyado ka pang bata para sa mga ganyan." Tumango siya saka ipinagpatuloy yung kinakain niya. Lumapit ako sa may pintuan at tama nga si terria, nandon si jacob. Napatingin siya sakin at lumapiy saka hinalikan ako sa pisngi. Palihim ko siyang kinurot. "Outch." Daing niya. "Yang galawan mo ah." "Para kiss lang, pinagdadamot pa." Pabulong na sabi nito pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "May sinasabi ka?" Pataray na tanong ko. "Wala." "Anong kailangan mo pala kay jaden?" Pag-iiba ko. "Gusto ko lang ibigay yung baon niya." Sabi nito at ngayon ko lang napansin na may hawak siyang paper bag. "Kumakain na siya ee." Sabi ko. Napansin ko kung paano lumungkot yung expression ng mukha niya. "Ganon ba o sige alis na ako." Paalam nito pero kaagad ko siyang pinigilan. "Tara sa loob, ako na lang kakain sa dinala mo." Sabi ko sakanya at hinila siya papasok ng classroom, saka pinaupo sa upuan na kaharap ng desk ko. Kinuha ko yung hawak niya at kinuha kung ano yun. Bigla tuloy akong nagutom dahil sa dala niya. Mac and cheese yung dala niya. Kinuha ko yung tinidor saka bonuksan yung lalagyanan at tinikman, bigla tuloy akong napapikit dahil sa nalalasahan ko. Sobrang sarap. Sinubuan ko si jaden at itinapat yung tinidor kay jacob pero tumanggi siya. "Kainin mo na." Sabi ko mukhang wala naman itong nagawa dahil binuka niya yung bibig niya at tinaggap yung pagkain. "Sino pala yung nagluto?" Tanong ko. "Ako." Nahihiyang sabi nito at umiwas ito ng tingin. Ang cute niya. Napangiti tuloy ako. "Nahihiya ka pa. Sobrang sarap kaya." Nakangiting sabi ko pero wala ee umiwas pa din siya ng tingin. "Mama sama ka po mamaya, mamasyal kami ni daddy." Biglang singit ni jaden. Tumingin ako bigla kay jacob. Napangiti tuloy lalo ako dahil mukhang bumabawi talaga si jacob sa anak niya, lalo na pag hinahatid sundo niya ito. Lumalabas daw sila para kumain sa labas base na din sa sinabi ni hannah. Umiling ako kay jaden. "Hindi nak. Bonding niyo yun ng daddy mo." "Mama." Malungkot na tawag nito. "Pag bigyan mo na siya. Minsan lang to." Singit na sabi ni jacob. "Please mama." Pagmamakaawa ni jaden. "Okay. Mapilit kayong dalawa ee." Sabi ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano sila nagkasabay ngumiti. Mag-ama nga naman. Lalo siyang gumagwapo pag ngumingiti. Mas bagay pala niya. "Don't stare like that baby, baka malusaw ako." Nakangising sabi nito. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin. Nakakahiya tuloy. "Eh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD