CHAPTER 5

482 Words
Jacob's POV Isang linggo na yung nakalipas, palagi na lang umaalis si hannah kasama ang anak ko. Pagkababa ko nagtataka ako nung makita ko si jaden na nakabihis na pang-alis. "Where are you going jaden?" Seryosong tanong ko nang makalapit ako sa kinaroroonan niya. "D-dad." Nauutal na tawag niya. "Where are you going?" Pag-uulit na tanong ko sakanya. "A-ano po d-dad s-sa hospital po." Sagot niya. Bigla tuloy nagsalubong yung kilay ko dahil sa sagot niya. "Sinong kasama mong aalis?" "Si tita h-hannah po d-dad." Sagot niya. Halata pa din na takot siya sakin. Sumakto naman na dumating si hannah. Nakabihis din. "Anong gagawin niyo sa hospital hannah?" Tanong ko. "Pupuntahan namin si sofia." Sabi niya. Bigla tuloy akong nag-alala sakanya. Anong nangyari sakanya? Okay lang kaya siya? Alam ko nasungitan ko siya at hindi maganda yung pagkakausap namin nung nakaraan. "Halata masyado ah. Okay lang siya." Pang-aasar ni hannah. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magpapateraphy na si sofia, kaya pupuntahan namin siya." Magpapateraphy? Good for her. "Bakit kailangan kasama pa ang anak ko?" Napairap naman si hannah. "Wala naman. Mas maganda kasing nandon si jaden. Sige na kuya aalis na kami." Sabi nito saka niya hinawakan si jaden at hinila papalabas. May kutob ako sa dalawang yun. May hindi sila sinasabi. - Lumipas ang maghapon at 5pm na nung bumalik sina hannah. Narinig ko pang nagtanong si jaden. "Tita, bakit kasama po ni ate sofia yung doctor?" "Matalik na kaibigan kasi ni ate sofia si kuya evan, at kung may shansa man na makapunta tayo sa bahay nila ni ate sofia may picture silang dalawa sa kwarto at sala ng bahay nila." Sagot ni hannah. "Kaya naman po pala ganon siya pagalitan ni kuya evan dahil matalik silang magkaibigan." Rinig ko na sagot ng anak ko. Bigla tuloy nagsalubong yung kilay ko sa narinig ko. Sinong evan yun? Lumapit sakin si jaden at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako ng pasekreto dahil kahit na malayo yung loob ng anak ko sakin at takot. Strikto ako sakanya, hinahalikan niya pa din ako sa pisngi tuwing umuuwi ako o kaya papaalis ako. Hindi ko naman masisisi na ganito sakin si jaden. Takot. Lumapit na si jaden sa tita niya. Narinig ko pa din silang nag-uusap. "Pwede po ba tayong pumunta sa bahay ni ate sofia?" Rinig na tanong ni jaden. "Oo naman pwede. Basta magpaalam tayo sa daddy mo at pupunta tayo sa bahay ni ate sofia, pero next time na baby dahil pagod na si tita." "Yehey. Salamat po tita, sa totoo lang po gusto kong maging mama si ate sofia." Masayang sabi ni jaden. Tahimik lang akong nakikinig sa pinagkukwentuhan nila. Narinig ko si hannah na tumawa. "Pwede mo naman siyang tawagin na mama, di ba kuya?" Parinig ni hannah. Tumingin ako sakanila. Habang ang anak ko nakatingin din sakin. Tumango ako at iniwan sila. Naririnig ko pang nagsasaya si jaden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD