CHAPTER 6

479 Words
Sofia's POV Kakatapos ko lang sa pangalawang araw ko nang nagpapatheraphy kay evan. Halos sermonan niya ako dahil kailan lang kami nagkita ulit. "Buti naman sofia, nagising ka na sa realidad na kailangan mong magpagamot! Sa lahat ng nakilala ko ikaw lang yung hindi nakikinig sakin!" Sermon na sabi niya. Ngumiti lang ako sakanya, habang nandito sina hannah at jaden. "Konting respeto naman evan, nandito yung kaibigan ko." Sabi ko sakanya pero umiling lang siya at inumpisahan nila akong itheraphy. Matapos ng ilan oras natapos na din ako kaya binuhat ako ni evan at pinaupo sa wheel chair ko. Ilan beses pa daw okay na ako. "Okay po ba mama?" Tanong ni jaden. Nabigla ako dahil sa tinawag niya sakin, tumingin ako kay hannah na nakatingin lang sakin at sinenyasan ako na sumagot kay jaden. "O-oo okay jaden." Sagot ko saka ngumiti sakanya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makaget over sa tinawag sakin ni jaden. Biglaan niya akong tinawag na mama. Kasalukuyan akong nakahiga ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Pasok." Sabi ko. Bumukas yung pintuan at nakita ko si mama. "Anak, nandito si hannah may kasamang bata at nandito din si evan." Sabi niya. Umupo ako sa kama ko at hinila yung wheel chair ko. Papatayo na sana ako ng tinulungan ako ni mama. "Thank you ma." Sinseridad na sabi ko. Ngumiti siya bilang sagot. "Nasaan po sila?" "Nasa sala sila." Sabi niya habang tinutulak niya ako papalabas ng kwarto ko at pinuntahan namin sina hannah. Pagkalapit namin nakita namin sila na nagkukwentuhan. "Mama." Nakangiting tawag sakin ni jaden. Dahil sa ginagawa ni jaden baka masanay ako sa kakatawag niya ng mama sakin. Tumingin sakin si mama ng makahulugan at ngumiti siya, yung ngiti na sobra abot sa mata. Ngumiti ako sakanya. Lumapit sakin jaden at niyakap ako. Nakatingin lang sina hannah sakin. "Buti napadalaw kayo jaden?" "Opo mama, gusto ko pa kasing makita yung bahay niyo." Sabi niya. Tumingin siya kay mama at lumapit. "Mano po lola." Sabi niya at hinuha yung kamay niya at nagmano. Ngumiti si mama sakanya. "God bless." Sabi niya. "Maiwan ko na muna kayo. Ipapadala ko na lang yung miriyenda niyo." Paalam ni mama bago kami iniwan. "B-bakit mama ang tawag mo sakin jaden?" Nagtataka na tanong ko. "Wala lang po. Gusto ko po kayong maging mama ee." Sabi niya. Tumingin ako kina hannah. Ngumiti siya sakin. "Ganon ba. Okay sige." Sagot ko habang hinahaplos yung buhok niya. Ilan minuto lang dumating na si nanay sesa. "Salamat po nay." Pagpapasalamat ko. "Walang anuman anak, maiwan ko na kayo." Paalam nito. "Next week ulit yung theraphy mo sofia. Wala nang atrasan to." Sabi ni evan. Tumango ako. "Oo naman." Sabi ko. Tumingin ako sakanila na busy kumakain. Buti na lang pinayagan si Jaden na umalis kasama si hannah. Knowing him paniguradong hindi niya papayagan si jaden ng lumalabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD