CHAPTER 7

634 Words
Buti na lang okay na yung mga paa ko. Ilan beses na practice para sa paglalakad at theraphy na din. Buti natiis ako ni Evan. Kasalukuyan akong naninigarilyo sa garden ng may nagsalita sa likod ko dahilan para matigilan ako at mabilis na inapakan. Tumingin ako kay Jayden na nakatingin sakin na nakasalubong yung kilay. Nakikita ko tuloy sakanya si Jacob. "Naninigarilyo po kayo?" Hindi ako nakasagot dahil sa tanong niya. "Palagi niyo po bang ginagawa yun?" Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya saka hinaplos yung buhok niya. "Hindi ko naman palaging ginagawa yun. Minsan lang pag nastress ako o kaya madami akong ginagawa o pag madami akong iniisip." Pagdadahilan ko. "Sana po mama huwag niyong dalasan. Masama po yan sa katawan." Napangiti ako sa sinabi niya. "Itatry ni mama." Sabi ko. Parang nagugustuhan ko na tinatawag niya akong mama. Umiling siya. "Gawin niyo po, para din po sainyo to." Sabi niya. Tumango ako. Para din sayo yan. "Paano ka pala nakapunta dito baby?" Tanong ko. Hapon na kasi at napadpad siya dito sa bahay. Magmula ng makapunta siya dito madalas na siyang pumupunta dito. Yumuko siya. "Tumakas lang po, mama." Mahinang sabi niya pero narinig ko. "Bakit naman baby? Baka magalit sayo yung daddy mo." Nag-aalalang sabi ko. "Ayoko po doon sa teacher ko sa bahay. Kahit po na araw-araw akong pumapasok sa school kung nasaan kayo mama." "Baka magalit yung daddy mo pag nalaman niya." Lumapit siya sakin at niyakap ako. Binuhat ko siya habang yakap niya ako. "Pupunta tayo sa bahay niyo. Ipagpapaalam kita, kakain tayo." Sabi ko. Umiling siya. "Huwag niyo na po akong ipagpaalam nandoon po si daddy. Magagalit siya." Sabi niya. "Hindi yan, kakausapin natin para hindi magalit." Sabi ko. Nang makarating kami sa bahay nila lalong humigpit yung yakap niya sa leeg ko. Tumingin kasi samin si jacob ng napakaseryoso lalo na sa anak niya. Lumapit siya samin at biglang inagaw sakin si jaden. Ibinaba niya si jaden at nagulat ako dahil pinalo niya sa pwet si jaden. "Jacob." Tawag ko. Tumingin siya sakin pero ibinalik niya yung tingin kay jaden. Nag-umpisang umiyak si jaden. Naawa tuloy ako sakanya. "Pang-ilan beses ko bang sinabi sayo na pag nandito yung teacher mo huwag kang tatakas?" Galit na sabi ni jacob at patuloy na pinapalo si jaden. "A-ayaw ko po s-sakanya." Umiiyak na sabi ni jaden. Lumapit ako sakanila at binuhat si jaden. Yumakap siya sakin at umunan sa balikat ko. Tinignan ko si jacob ng seryoso. "Hindi mo kailangan ganyanin ang anak mo." Mahinahon na sabi ko. Wala din kasing mangyayari yung magagalit din ako. "Ano naman ngayon?" Sabi niya. Napangisi tuloy ako. Akala niya magpapatalo ako. Basagulera ako nung high school ako baka hindi ko matancha. Kahit sino pinapatulan ko baka pati yung nasa harapan ko mapatulan ko. "Anak mo tapos sasaktan mo? Mabuting ama ba yang pinapakita mo?" "Dinidisiplina ko lang siya." Lalong lumawak yung ngisi ko na para bang inaasar ko pa siya. "Disiplina na pala yang sinasabi mo. Para sabihin ko sayo, hindi disiplina ang tawag dyan sa ginagawa mo. Kung nagtataka ka kung bakit nagsusumbong yang teacher na hindi daw pumapasok at tumatakas yang anak mo. Dahil din sayo at dahil din sakin. Una dahil sayo dahil pinapabayaan mo si jaden at hindi inaayaan na umabas dahil sa kadahilanan na ayaw mong malaman ng iba na may anak ka. Pangalawa dahil sa akin. Pumupunta siya sakin sa bahay namin kaya tumatakas at hindi pumapasok dahil pumapasok siya sa school para turuan ko, sa totoo lang nasasakal na yung anak mo dahil sayo." Sabi ko. Lumapit ako sakaya habang buhat si jaden. Hinalikan ko siya sa pisngi at tinitigan ng mapang-asar. "By the way. Aalis pala kami ng anak mo at kakain kami sa labas." Sabi ko bago iniwan si jacob na tulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD