JOSHUA'S POV Kinausap ako nina Harold at Mico na maglaan daw ako ng oras para makausap si Jia. Mabilis akong pumayag pero nakadama ako ng takot na baka ulit-ulitin niya na naman ang pagiging hindi ko sapat para sa kaniya. Dumagdag pa si Amanda sa problema ko lalo at hindi ko pa rin nakikita ang mga magulang ko. Nag-hire na ako ng magagaling na detectives upang malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyari sa buhay ko maging sa pagdukot sa mga magulang ko. Dumaan ako sa mall upang paghandaan ang pagdating ni Jia sa bahay na binili ko para sa aming dalawa. Personal akong bumili ng mga kailangang panghanda at pagkain. Kinakabahan man ako ay masigla pa rin akong namili. Ngunit ng nakita ko si Jia sa mall at hindi sa bahay ay nakadama ako ng matinding selos. Unang pumasok kasi sa

