JIA'S POV Umalis ako ng Benguet ng mas maaga kaysa sa natakdang pagbalik ko dapat ng Maynila. Sumabay ako sa sasakyan na dala nina Harold at Mico. May driver silang kasama dahil hindi naman marunong pa magmaneho ang dalawa. Ang sabi nila ay kay Joshua raw ang sasakyan na iyon ngunit hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil sa dami ng mga inilihim ni Joshua ay nalilito na ako sa totoo at kasinungalingan. Tumawag si Joshua kay Harold habang pauwi na kami. Tahimik lang ako at sinenyasan ko ang dalawa kong kababata na huwag sabihin na kasama nila ako. "Pabalik na kami ng Maynila," sabi ni Harold habang kausap si Joshua. "Kasabay ko rin si Mico." "Ayos lang kami, p're," wika naman ni Mico. Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-usapan nila dahil hindi ko maintindihan ang mga iyon. Na

