JIA'S POV "Sorry, Erlinda. Hindi ko alam na si Harold pala ang ex boyfriend mo," sabi ko habang tahimik siyang umiiyak sa likod ng kanilang bahay. "Okay lang iyon. Hindi ko rin alam na magkababata pala kayo ng gag*ng lalaki na iyon." Tinapik ko ang balikat niya. Batid ko kung paanong nasaktan si Erlinda noon dahil kay Harold. Ako ang taga-sulsol sa kaniya noon na hiwalayan niya na ang boyfriend niya dahil sa pagiging playboy nito. Si Harold man ay biglang nagbago pagkatapos nilang mag-break ng girlfriend niya. Sa loob ng mahigit tatlong taon ay hindi ko siya nakita na nakipagrelasyon. Madalas ko siyang tuksuhin noon ngunit panay ngiti lang ang ganti niya. Kahit kailan ay hindi siya nagbukas ng topic tungkol sa kanila ni Erlinda. "Erlinda…" tawag ni Harold sa umiiyak kong kaibigan. "

