JIA'S POV Hindi na nagpakita pa si Joshua simula noong gabi na kung ano-ano ang sinabi ko sa kan'ya. Umalis ako ng Maynila na kami lang ni Ve ang nakakaalam sa magiging destinasyon ko. Kailangan ko pang makipagpalitan ng damit at magpagupit ng katulad kay Ve para lang lituhin ang mga tauhan ni Drey na ayaw akong tantanan. Mula Avenida ay sumakay ako ng bus papuntang Baguio. Pagdating sa Baguio ay sinalubong na ako ni Erlinda. Siya ang isa sa mga kaibigan ko noong first year college pa lang kami. At dahil may jeep sila kaya hindi na kami nahirapan pa na maghintay ng masasakyan. May schedule lang daw kasi roon ang byahe ng pampasaherong sasakyan. Napanganga ako sa tanawing nakita ng aking mga mata. Ang makalayo sa magulong siyudad at makapunta sa mala paraisong Buguias Benguet ay isang p

