CHAPTER 42

2159 Words

JIA'S POV Nagising ako dahil sa ingay ng paligid ko. Wala na ako sa pool area kun'di nasa silid na ulit ni Joshua. Sina Harold at Mico ay inuutusan ang katulong gamit ang malakas na boses. Si Joshua ay panay ang tawag sa pangalan ko habang hawak ang isang kamay ko at tapik naman sa mukha ko. Nanghihina akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Nakatitig lang ako sa mga tao dahil tila blangko ang utak ko. Sa pagmamadali ni Joshua na painumin ako ng tubig ay natapon pa ang laman ng baso. Nanginginig ang mga daliri na kinuha ko iyon lalo at pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" sabay-sabay na tanong nina Joshua, Harold at Mico. Ang mga mukha nila ay hindi maipinta sa labis na pag-aalala. "Ayos lang ako. Iwan n'yo na muna ako para makapagpalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD