JIA'S POV Napanganga ako sa pagpasok ng isang gwapong lalaki. Sa tinding niya ay halatang may kaya siya sa buhay. Sa tantiya ko ay nasa fifty's na siya. Kinabahan ako ng biglang magtayuan muli ang mga tauhan ni Joshua at nagkani-kaniya sila ng posisyon. Kunot-noong napalingon ako sa walang kangiti-ngiting lalaki sa may likuran ko. Lumapit sa akin ang lalaki at saka ako niyakap ng buong higpit. Dahil sa gulat ay hindi ako nakakilos at nagpatianod na lang ako sa sitwasyon. Si Joshua ay tinapik ang balikat ng lalaking bagong dating. "Mr. Simon Montes, bitawan mo ang nobya ko," buong tapang na sabi ni Joshua. "Condolence, Jia. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa nanay mo," wika ni Mr. Montes bago siya lumayo sa akin. "Sino ho kayo?" tanong ko sa mahinang boses. Gusto kong matiyak kung

