JIA'S POV Namimilog ang mata ko sa tuwa. Nakasimangot si Joshua at selos na selos habang kunwari ay masaya akong ka-chat ang isang lalaki. Ang totoo ay si Ve ang kausap ko. Nakaupo ako sa sofa na nasa sala at tuwang-tuwa ako sa kalokohan ko. Pasulyap-sulyap sa akin ang nobyo kong sobrang mabait sa mga babae. Nasa kusina siya at nagluluto ng hapunan namin. Ayokong umiyak sa pananakit n'ya sa damdamin ko kaya tuturuan ko siya ng leksyon. Aba, sinong babae ba ang masaya na ang nobyo nila ay nakipaghalikan sa babae dahil lang sa negosyo? "Pag-iisipan ko pa kung sasagutin kita. Complicated pa kasi ang current status ng puso ko," malakas kung sabi habang kunwari ay may kausap sa kabilang linya. Sadya kong itinodo ang boses ko lalo na ng humalakhak ako ng mapang-akit. Muli akong sinilip ni

