CHAPTER 49

2143 Words

JIA'S POV Kinakapos ako ng hininga dahil sa sobrang pagod. Suntok, sipa, tadyak, sabunot, at kalmot ang inabot mula sa akin ni Joshua. Hindi siya kumikibo habang ginagawa ko iyon. Tahimik niyang tinanggap ang lahat. Nakaupo ako sa kama habang hawak ko ang aking dibdib. Hindi ko alam kung paano siyang nakapasok ng bahay. Basta ng takpan niya ang bibig ko kanina ay nagwala na talaga ako. Mabuti at gasgas lang ng kutsilyong nakatago sa unan ko ang inabot niya. "Bakit nandito ka?" nanggigigil kong tanong sa kaniya. Nakatayo siya ng may isang dipa ang layo sa akin. "Nandito ka kasi kaya nandito ako," sabi niya habang tinitingnan ang gasgas sa braso niya. "Huwag mo akong pilosopohin!" "Matulog na tayo, Jia. Bukas na lang natin pag-usapan iyan kasi nakakahiya sa mga kapitbahay. Mag-a-a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD