JIA'S POV Halos himatayin ako ng kapwa na duguan sina Drey at Joshua. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko sa kanila pero kusang kumilos ang katawan ko palapit kay Joshua. Nanginginig ang mga daliri ko habang inaampat ko ang dugo sa mukha niya. Hindi ko na namalayan kung paanong nawala si Drey sa tindahan. Naka-focus kasi ako sa basag na kilay ni Joshua at sa iba pang mga sugat niya sa mukha. "Natakot ka ba? Sorry," sabi ni Joshua habang hawak ang kamay kong dapat sana ay nagpupunas ng dugo sa mukha niya. Napabuntong-hininga ako saka ko siya hinampas. Naiinis ako sa kan'ya dahil masyadomg mainit ang ulo niya kanina. Kung sana naging mahinahon siya, hindi siya nasaktan. "Bakit mo naman kasi pinatulan si Drey?" tanong ko sa naiinis na tono. "Ayan tuloy, basag-basag ang mukha mo

