DREY'S POV Napanood ko sa live ni Ve ang nangyari sa tindahan ni Jia. I was amazed at how Jia faced the most embarrassing day she had. Her patience was tested, but she has proven to everyone how wise she is. Habang pinapanood ko ang live stream ni Ve ay nagmadali akong bumaba ng building kung nasaan ang opisina ko. Naka-ready na ang sasakyan kaya mabilis akong nakabyahe. Halos isang oras din ang inabot ko sa daan because of traffic. When I reached the store, tahimik na ang lahat. Ilang minuto muna ang itinagal ko sa loob ng sasakyan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na bumaba. Galit sa akin si Jia dahil sa nangyari noon sa libing ng nanay niya kaya I made myself ready. Handa na ako sa sampal o tadyak niya. Hindi ako nagsama ng tauhan para makita ni Jia na hindi ako gagawa ng gu

