JOSHUA'S POV Ilang araw akong may sakit. Siguro dala na rin ng sobrang puyat dahil sa pagtutok ko sa aking sikretong trabaho. Pakikisama lang talaga ang dahilan kaya naglalaro ako ng mga online games pero hindi talaga doon nakasentro ang utak ko. Kailangan kong iangat ang buhay ko dahil lalaki ako. Ako ang magiging haligi ng pamilyang bubuoin ko. Sa ilang araw na hindi ako halos makatayo sa higaan ay isang beses ko lang nakita si Jia. Iyon ay noong hinalikan niya ako sa labi. Unang beses iyon na siya mismo ang gumawa ng paraan para ipakita ang alam kong sinisikil niyang damdamin. Masama ang loob ko dahil tila balewala ako kay Jia kahit alam kong alam niyang may sakit ako. Ngunit kapag naaalala ko ang halik na ibinigay niya sa akin ay napapangiti ako. Para kasing nakadikit na sa utak k

