CHAPTER 11

1956 Words
JIA'S POV Sinabi ko kay Drey na bestfriend ko lang si Joshua at tila naniwala naman siya. Niyaya niya pa ako na kumain muna raw sa pinakamalapit na restaurant ngunit tumanggi ako dahil iniisip ko si Josh na walang kasama sa bahay nila habang inaapoy ito ng lagnat. Bago sumakay si Drey sa sasakyan niya ay bigla niya akong ninakawan ng halik sa pisngi sabay kumindat siya sa akin. Napatda ako dahil doon. Wala sa loob na hinawakan ko ang hinalikan niya. "I'll see you again," sabi n'ya bago isinara ang pinto ng sasakyan. Nagsisimula pa lang umandar iyon ng biglang kinalabit ako ni Amanda. Sinuri ako ng kaniyang mga mata bago pilyang tumawa ito. "Mukhang big timer ang jowabels mo. Salamat ha, akin na talaga si Joshua," sabi niya. "Pero baka pwedeng maki-share kay papang pogi. Kahit one night stand lang. Gusto ko ring matikman ang alam mo na… Mukhang daks ang armas niya. Amoy malinis pa." "Ang daming lalaki sa club, nakulangan ka pa ba?" mataray kong tanong. "Alin, iyong mga lalaking amoy alak at sigarilyo? Walang langit sa piling nila. Gusto nila, sila ang tinatrabaho. Sa tagal ko na doon, iilan lang ang magaling at may ibubuga. Ang liit pa ng batuta ng iba, 'sing liit lang ng tig-dos na hotdog." Naiiritang lumayo ako kay Amanda. Ang dumi ng bibig niya at hindi ko gusto iyon. "Jia, sandali! Saan ka pupunta?" sigaw ni Amanda. "Kina Joshua. Titikman ko lang ang masarap na hotdog doon!" ganti ko. Biglang natapik ko ang aking noo. Huli na ng ma-realize ko ang aking sinabi. Sa kagustuhan kong bwisitin si Amanda ay ipinahiya ko ang sarili ko. "Jia, bilisan mo, baka mapanis ang hotdog!" sigaw ni Aling Bebang na naninigarilyo sa gilid ng kalsada. "Green minded ka, Aling Bebang," ganting sabi ko. "Naku, ang hotdog! Bow!" sabad ni Aling Tesya. "Masarap na, masabaw pa! Pwede sa adobo, pwede sa omelette." Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Lahat ng nasa umpukan ay puro kabastusan na ang sinasabi. Dahil sa kahihiyan ay hindi ako pumunta kina Joshua. Bagkus ay namili na lang ako sa Divisoria. May natitira pa kasing pera mula sa ibinigay ni Drey at pinaiikot-ikot ko iyon. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Joshua tungkol sa website at sa app na ShopOkay. Kusa na akong sumunggab doon sa kagustuhan kong kumita. Bahala na kung saan ako dadalhin ng hangarin kong maging maayos ang buhay ko. May mga orders na ako galing sa app na iyon kaya kailangan ko ng stocks. Tenext ko na lang si Joshua na sabihan ako kapag masama talaga ang pakiramdam niya at sumagot siya ng, "Okay." Kampante na rin ako kahit paano sa kalagayan niya dahil nakakapag-reply pa siya. Sa Divisoria ay hindi ako mapakali. Habang tumatagal kasi ako roon ay hindi ko na makontak si Joshua. Hindi na siya sumasagot sa text, chats at maging sa tawag ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko na baka tulog siya kaya ganoon. Pagkauwi ko galing Divisoria ay naghanap ng mabibili ang ilang kapitbahay. Kahit pagod na ako ay hinayaan ko silang kalkalin ang mga paninda ko. Sayang din kasi ang kikitain ko. "Itong bra na ito, Jia, kasya kaya sa akin?" tanong ni Aling Marites. "Opo, hindi na magmamakaawa niyan ang hook ng bra mo sa iyo." "Ay pasaway na batang ito. Sige bilihin ko na ito." "Jia, akin na itong pabango na ito," sabi naman ni Aling Evelyn. "Sige po. Walang uutang ha. Baka wala akong kainin mamaya," biro ko na may halong katotohanan. "Oy, bili na kayo ng pabango para hindi kayo iwanan ng mga asawa n'yong nagsasawa na amoy nyo. May bra, panty at mga damit din ako rito!" Naglapitan naman ang iba pang nasa kalye namin. Alam na kasi nila na nagtitinda ako kaya kapag ganoon ay nakakarami agad ako ng benta. Bago ako makarating ng bahay ay nakailang benta pa rin ako. May pambili na kami ni nanay ng ulam. Pagkalapag ko ng mga pinamili ko ay tiningnan ko ang mga comments sa post ko. Mayroon akong isang buyer na nagrereklamo. Hindi raw kasi effective ang pantanggal ng peklat na binili niya sa akin. Sinisiraan n'ya ako sa social media. "Miss, ang binili mo ay pantanggal ng peklat at hindi himala! Tagos hanggang buto pala iyang peklat mo tapos gusto mo isang gamitan lang ng ointment mawala agad. Ibabalik ko ang ipinambili mo para may pamasahe ka papunta sa simbahan at doon ka humiling ng himala," mainit kong sagot sa komento niya. At dahil marami akong mga buyers na narooon sa group na iyon kaya tinadtad siya ng mga ito ng mga komento na pabor sa akin. Alam kasi nila na effective ang product pero hindi kaya noon na alisin ang peklat sa isang gamitan lang. Naisip kong pumunta sa bahay nina Joshua. Mag-aalas tres na at nakokonsensya akong hindi man lang siya dalawin gayong alam kong may sakit siya. Katulad kahapon ay nakasara ang pintuan nila kaya ginamit ko ang susi na hawak ko. Marahil ay nakahiga siya kaya dumeretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay nila. Dahan-dahan kong itinulak ang hindi naka-lock na pinto ng silid ni Joshua. Nagulat ako sa aking nakita. Magkatabi sa kama sina Joshua at Amanda habang natutulog. Pareho silang nakabalot ng kumot na hanggang dibdib at kita ko na kapwa sila walang damit. Nakayakap si Amanda kay Joshua. Hindi ako agad nakahuma at ilang segundo rin akong napatulala na lang. Samu't-saring emosyon ang aking nadama. Hindi ko alam kung iiyak ako o kaya ay ngingiti dahil kahit paano ay mukhang maayos na ang aking kaibigan. Dahan-dahan kong isinarang muli ang pinto. Mabigat ang mga hakbang na naglakad ako pababa ng hagdanan. Gusto kong magalit kay Joshua dahil ipinipilit niya ang sarili sa akin gayong may sikretong karelasyon naman pala siya. Ibig sabihin ay totoo ang sinabi ni Amanda sa akin. Hindi ko na kailangan pang kumpirmahin iyon kay Joshua. Walang emosyon akong naglakad sa kalsada. Sa pagpili ko kanina na alagaan si Joshua kaysa ang kumain kasama si Drey ay buo na sana sa loob kong lunukin ang pangarap ko para bigyan ng pagkakataon si Joshua. Ngunit ang nakita ko ay isang senyales na tamang pilin ko na lang ang pangarap ko kaysa sa pag-ibig. Pagdating sa bahay ay may nakatanggap akong tawag mula sa aking gurong humahawak sa aming mga malapit ng mag-practice teaching. May magandang balita siyang sinabi sa akin. May isang private school daw na kumuha sa akin para doon ako magtuturo sa kanila. May free accomodations daw na offer ang paaralan. Kailangan ko raw mag-report doon bukas na bukas din. Pagkatapos ng tawag na iyon ay nagmukmok ako. Hindi ako umiyak kahit parang pinupunit ang puso ko. Ang isip ko ay pabalik-balik sa tapong nasaksihan ko kanina. At dinadala pa ako noon sa mas malayo pang lugar na tanging isip lang ang nakakarating. Kinagabihan ay kinausap ko si nanay. Nagpaalam ako sa kaniya na tatanggapin ko ang alok ng school at agad siyang pumayag. Bago matulog ay nag-live selling muna ako at inihanda ang mga orders na naibenta ko na. Kayod kung kayod ang beauty ko. Ang importante ay makaraos kami ni nanay sa buhay namin. Madaling araw na ng matapos ako sa pagbabalot ng mga orders. Matutulog na sana ako ng marinig ko si Tsong Arvin. Humihingi ito ng tawad kay nanay. Gusto kong magwala o sigawan muli ang nanay kong umiiyak pero pagod na ako. Pagod na hindi lang ang katawan ko kung hindi pati ang utak at puso ko. Nagkunwari akong tulog para isipin nilang wala akong naririnig ngunit gising na gising ang diwa ko. Hindi ako dalawin ng antok dahil sa halo-halong emosyon. Mag-a-alas singko ng maidlip ako. Sandali pa lang na naipahinga ko ang aking isip ng maramdaman ko ang haplos ng isang kamay sa hita ko pataas sa gitna noon. Alam kong hindi si nanay ang may-ari ng kamay kaya nanigas ang buong katawan ko. "Habang lumalaki ka, mas lalo kang gumaganda at nagiging sexy sa paningin ko," malademonyong wika ni Tsong Arvin. Mabilis ang naging reaksyon ng aking katawan sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang kutsilyo na matagal ng nakatago sa ilalim ng unan ko. "Subukan mong ituloy iyan, gigilitan kita ng leeg," banta ko kay tsong sa madiing tono. Saktong dumating si nanay na galing sa bakery. Hawak niya pa sa mga kamay ang pandesal na binili niya ng maabutan niyang nakatutok ang kutsilyong hawak ko sa leeg ni tsong na noon ay napadausdos na sa hagdanan. "Itong anak mo, Emelia, ginigising ko lang, papatayin na agad ako," pagsisinungaling ni Tsong Arvin. Agad naghurumentado si nanay at pinagmumura ako. Nabulabog ang buong eskinita namin dahil sa ingay niya. Sinusubukan kong magsalita pero ayaw akong pakinggan ni nanay. Hanggang sa inihagis niyang muli ang mga damit ko palabas ng bahay. Kinuha ko ang bag at ang mga panindang inayos ko kagabi. Dumaan ako sa nanay ko habang sukbit ko ang malaking plastic bag na blue. Pinagsasabunutan niya ako ngunit inawat siya ng ibang kapitbahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umiiyak na lumabas ako sa eskinita namin at naglakad sa kalsada dala ang kaunting damit at ang palstic bag na may lamang mga paninda. Nakayapak lang din ako. Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Rochelle. Makikiusap akong doon ako sa kanila makitira. Subalit ng makausap ko siya ay hindi raw pwede sabi ng mga magulang niya. Sinubukan ko ring kontakin si Pia pero wala raw space sa bahay nila na pwede kong magamit. Naglakad ako palayo sa barangay namin. Nang may makita akong convenient store ay naupo ako saglit doon. Naisip kong muling makitira kina Joshua kaya lang ayokong makigulo sa kanila ni Amanda kaya umiiyak na napasubsob na lang ako sa aking mga palad. Nasa ganoon sitwasyon ako ng tumunog ang cellphone ko. Si Drey ang tumatawag. Hindi pa nagsisimula si Drey sa kabilang linya ngunit napahagulhol na ako. Hindi na ako halos makahinga dahil sa kaiiyak. "Jia, what happened?" matigas niyang tanong sa akin. "Drey, help me please." "Where are you? Why are you crying? Who made you cry." Tanging iyak lang ang sagot ko kay Drey. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa aking paligid. "Tell me where you are right now and I'll be there in a few minutes." Sinabi ko kay Drey ang location ko. Habang hinihintay ko siyang dumating ay nakayuko lang ako at panay ang pagluha. Kung naging mahina kasi ako kanina ay baka rape victim na rin ako ng isang taong halang ang kaluluwa. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay pumarada ang sasakyan ni Drey sa harapan ng convenient store. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Wala na talaga akong ibang mapupuntahan kaya kahit katulong ay mag-a-apply na ako sa bahay ng lalaking ito. "Hop in," sabi ni Drey sa akin. Nang makasakay na ako sa sasakyan niya ay napansin kong nakapantulog pa siya. "Oh, I'm sorry. Nakalimutan kong magbihis. What's the matter?" Ngumiti ako para mapagtakpan ang kahihiyan ko sa tila pagkabigla niya sa mga plastic bag na dala ko. "Wala akong mapuntahan ngayon. Wala na rin akong kapera-pera kaya hindi ako makaupa ng bahay. Baka pwedeng mag-apply kahit katulong lang ninyo," lakas loob kong sabi. "Be my guest. Hindi mo kailangang pumasok na katulong sa akin. By the way, I have condo in Sampaloc, doon ka na muna kung gusto mo ng privacy. Still, available rin ang bahay namin." Walang pag-aalinlangang sinabi ko na sa Sampaloc n'ya ako dalahin dahil mas malapit iyon sa school kung saan ako magpa-practice teaching. Habang nasa byahe kami ay may nakita ako sa bewang ni Drey. Natutop ko ang aking bibig nang ngumiti siya sa akin habang binubunot ang baril na kanina ko pa tinititigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD