CHAPTER 10

1902 Words
JIA'S POV Ang lapad ng ngiti sa mga labi ko. Nabalitaan ko kasi mula sa mga tsismosa ang nangyari sa bahay nina Joshua noong isang araw. Panay ang pang-aasar ko kay Joshua habang kausap ko siya sa cellphone kanina. Pinagalitan daw kasi siya ng papa niya. Dahil naghahanda ako sa nalalapit kong practice teaching kaya hindi ako pumasok kahit araw ng Lunes. Madiskarte ako pero minsan ay may katamaran din ako. Isang bagay na alam kong magiging problema kapag ganap na akong guro. Naiinip ako sa bahay. Pahinga muna ako sa online selling kasi nakakapagod na ang puro sagot ng price sa tanong na 'how much' kahit may price ng nakalagay. Nakakairita naman kasi minsan ang mga tao. Kumpleto mo na ngang inilagay ang detalye ng product magtatanong pa ng presyo. Alam na ngang for sale ang item, magtatanong pa ng, "For sale po ba?" Naisip kong makipagkwentuhan sa mga mahilig tumambay kong mga kababata para maalis man lang ang amag sa utak ko. Drained na kasi ang utak ko sa dami ng mga iniisip ko. "Jia, akin na lang si Joshua ha. Hindi ka naman interesado sa kaniya," wika ni Amanda na nakiumpok na rin sa pwesto namin ng mga kakilala ko. Sinuri ko siyang mabuti. Simula bata lang kami ay madalas niyang sabihin na sa kaniya lang si Joshua. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagustuhan niya sa mokong na 'yon. Napapatawa pa ako kapag ganoon si Amanda dahil parang candy lang ang hinihingi niya sa akin. "Alam mo Amanda, dapat si Joshua ang nililigawan mo at hindi itong si Jia. Malay ba ni Jia kung magustuhan ka rin ni Joshua," sabi ni Sabina. Isa sa mga dating kalaro ko noon. Lumabi si Amanda. Ang mga kilay niya ay nagsalubong dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kan'yang katabi. "Kung hindi naman kasi dahil kay Jia ay baka matagal na kami ni Joshua," sagot ni Amanda. Tumaas ang kilay ko. Teka, bakit parang kasalanan ko pa? Ngunit hindi ako nagsalita. "Bakit naman sinisisi mo si Jia?" tanong ni Ve. Isa rin siya sa mga kaibigan ko sa lugar namin. "Sabi kasi ni Joshua, gusto niya raw sana si Jia kaya lang dahil sa ugali ni Jia kaya okay na sa kaniya ang halikhalikan ito. Libre n'ya naman daw kasing nakukuha iyon." Napatayo ako. Alam kong nakita kami ni Amanda noong gabing hinalikan ako ni Joshua sa mga labi ko sa tapat ng bahay namin. Hindi ako makapaniwala na iyon pala ang sinabi ni Joshua kay Amanda nang nakita ko silang nag-usap pagkatapos ng insidenting iyon. Mabilis ang mga hakbang na sumugod ako sa bahay nina Joshua. Dala ng galit na bilang sumiklab ay kinalabog ko ang screen ng pintuan nila. Walang sumasagot sa loob kahit alam kong naroon at naglalaro na naman ang kaibigan ko. Mabilis akong bumalik ng bahay. May susi ako sa pintuan nila dahil binigyan ako ni tito ng duplicate key ilang araw bago ako umalis doon. Ang mga mata nina Sabina at Ve ay nagtataka ng parang ipo-ipo akong dumaan sa pwesto nila. Si Amanda ay pangiti-ngiti naman. Naniningkit ang mga mata ko habang kinukuha ko ang susi sa wallet ko. Tinanong ako ni nanay kung saan ang punta ko ngunit hindi ako sumagot. Mainit ang ulo ko at gusto kong manapak ng kaibigan. Ilang saglit pa ay nasa harap na ako ulit ng pintuan nina Joshua. Ganoon talaga sa squatter area, walang gate, pintuan agad ang bubungad. Nanginginig na binuksan ko ang bahay nila. Bahagya pa akong nagulat na wala si Joshua sa harap ng computer niya. Dumeretso ako sa kaniyang silid ngunit wala rin siya roon. Bababa na sana ako mula sa ikalawang palapag ng maalala kong naiwan ko sa silid na dati kong tinutulungan ang isang damit na regalo sa akin ni nanay. Humakbang ako palapit doon. Hindi naka-lock ang pinto katulad ng dati kaya agad kong binuksan iyon. Biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng isang malakas na sigaw. Si Joshua, nakahiga sa kama habang tanging brief lang ang suot. Ang malapad niyang dibdib ay nakabalandra sa akin. "Walang hiya ka! Walang hiya ka! Bakit ka nakahubad? Ay, hindi! Bakit ka naka-brief?" "Ano ba talaga, Jia, ang gusto mong makita, nakahubad o naka-brief?" "Bastos ka! Bakit nandito ka?" Tumalikod ako sabay takip ko ng aking mga mata gamit ang palad. "Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Bakit ka nandito?" Yumakap si Joshua sa likuran ko. Dama ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Hindi ako sigurado kung naka-brief pa ba siya kaya ganoon na lang ang takot ko ng unti-unti niya akong iharap sa kaniya. Ang kabog ng aking dibdib ay parang singlakas ng drum sa parada. Hindi ako halos makahinga lalo na ng kinabig niya ako dahilan para mapasubsob ako sa hubad niyang katawan. Dama ko ang init ng kaniyang dibdib. Dinig ko ang t***k ng kaniyang puso. Para akong kumain ng isang sakong sili sa tindi ng init na aking nadarama. "Jia, bakit ka nandito?" paos na tanong ni Joshua. Tumingin ako sa mukha ni Joshua. Ang mga mata niya ay parang magnifying glass na nakikita ang pinakamaliit na emosyon sa mukha ko. Wala akong naisagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay mahalikan ang mapupula niyang mga labi. Walang pag-aalinlangang tinawid ko ang maliit na espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. I kissed him without hesitation. Iyon kasi ang bulong ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko pero para akong batang sabik ba sabik na muling matikman ang labi niya. Wala pang ibang lalaking humalik sa akin maliban sa kaniya pero tila kabisado ko kung paano siya tuksuhin. Hanggang sa narinig ko ang mahinang ungol niya dahilan para mas lalo akong manabik. Nang ipasok ni Joshua ang kamay niya sa loob ng damit ko ay nadama ko ang init ng palad niyang unti-unting hinahaplos ang balat ko sa likod. Nanginginig ang aking mga kamay na humawak sa bewang niya. Kapwa kami umungol ng mahina at tila kinakapos ng hangin. Ang mga kamay niya ay lalong naging malikot ngunit laki ng pagtataka ko ng bigla niya akong inilayo sa kaniya. "Jia, I love you," paos ang tinig na sabi niya. "Habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko, itigil na natin ito. Nirerespeto kita hindi lang bilang kaibigan kun'di bilang babae." Bigla akong nagising sa katotohanan. Hindi ko napigilang bigyan siya ng isang sampal. Hindi ko alam kung bakit, pero iyon ang una kong naging aksyon. Siguro para mapagtakpan ang aking kahihiyan. Hinimas ni Joshua ang pisngi niya. Nang mabitawan niya ako ay saka ko napagtanto na naka-short na pala siya. Nahihiyang napaurong ako at tumakbo palabas ng bahay nila. Pulang-pula ang pisngi ko habang naglalakad pabalik sa amin. Hiyang-hiya kasi ako sa ginawa ko. Panay ang tulak ko kay Joshua palayo pero ang lintik na puso ko ay ayaw makisama. Tiyak akong pagtatawanan na naman ako ng mokong na iyon. Habang naglalakad ako ay may mga tumatawang sa akin. Lahat sila ay hindi ko pinansin. Pakiramdam ko ay napakalaki kong tanga dahil sa kabila ng nangyari ay umaasa akong hahabulin ako ni Joshua katulad ng dati niyang ginagawa kapag nag-aaway kami pero hindi na niya iyon ginawa sa kauna-unahang pagkakataon. Pagdating ng bahay ay agad akong pumasok sa makipot kong silid. Doon ay hinayaan ko ang aking sarili na malunod sa luhang tuloy-tuloy sa pag-agos. Panay ang paalala ko sa aking sarili na pangarap muna bago ang puso ko. Bigla kong naalala si Drey. Hindi na siya nagparamdam simula noong hindi ko siya pinayagan na bayaran ang hospital bill ni nanay. Siguro ay nagalit siya dahil natapakan ko ang p*********i niya. Lumipas ang maghapon at magdamag, kahit text o ano pa man ay walang nanggaling kay Joshua. Nakita kong papasok na sa trabaho ang mga magulang niya. Sinamantala ko iyon para isuli ang susi ng bahay nila. Buo na kasi ang isip kong lalayuan ko muna si Joshua bago pa ako ipahamak ng puso ko. "Jia, diyan mo na lang muna iyan sa'yo. Kung pwede ay puntahan mo si Joshua mamaya. May sakit ang isang iyon." Nagulat ako sa nalaman ko. Kahapon naman ay okay siya. Ah, mainit pala siya kahapon pero akala ko ay dahil iyon sa pagkakalapit namin. "Hinimatay siya kahapon. Galing ka raw doon pero pagkaalis mo ay bumagsak siya. Mabuti at sa labas ng bahay siya nawalan ng malay," sabi ni Tita Merced. "Tinulungan siya ng mga kapitbahay. Kung hindi lang talaga kailangan kami sa trabaho ay hindi ako papasok ngayon." Napabuntong-hininga ako. Ang tagal kong nakatayo lang sa kalsada. Hindi ko kasi alam kung papasok ba ako sa school o pupuntahan ko si Joshua. Kapag kasi may sakit ang taong iyon ay parang luging-lugi, pa-baby. "Jia, may naghahanap sa'yo," sabi ni Ve. Kumunot ang noo ko. Ang lapad kasi ng ngiti ng kababata ko. Pero paglagpas ng tingin ko kay Ve ay nakita ko si Drey. Napaawang na lang ang mga labi ko. "Paano mong nalaman kung saan ako nakatira?" "Through my connection," nakangiti niyang sabi. Napangiwi ako. Paano ko siyang dadalhin sa sira-sira naming bahay? Umikot ang mga mata ko sa paligid. Ang mga tsismosa ay nakatingin sa gwapo kong bisita. Nagbubulungan na naman sila. Wala sa sariling naihilamos ko ang kamay ko sa mukha. "Where is your house? Ang dami kasi nakatingin sa akin dito. Medyo nahihiya ako," biro ni Drey. Hindi na kasi ako kumilos. Nagulat talaga ako sa biglang pagsulpot niya. "Jia, ipakilala mo naman kami sa mayaman mong bisita!" "Iba talaga kapag maganda at sexy, lakas makahanap ng mayamang papa!" "Jia, si Joshua ba alam iyan?" "'Tol, kumakatay kami ng tao kapag tinatalo ang kaibigan namin!" Halos mabingi ako sa mga sinasabi ng mga tambay. Alam ko kasing idolo nilang lahat si Joshua. Sa galing makisama ng isang iyon, daig pa niya ang isang mafia boss. "Tigilan n'yo ang bisita ko kung ayaw n'yong samain sa akin ang kaibigan n'yo!" sigaw ko. Hinawakan ko si Drey sa braso at iginiya ko siya palabas ng kalye namin. "Hindi ka pwede rito. I mean, hindi ka bagay sa lugar na ito," nahihiya kong sabi. "Why? I just want to check your mommy's status. How is she now?" "Wala si nanay, okay na rin siya. Thank you sa pagbisita. Next time na lang tayo mag-usap. Tatawagan kita," sabi ko kay Drey pagdating namin sa labasan. "Sorry talaga, Drey." "Never mind. Kasalanan ko rin ito. Pumunta kasi ako ng walang paalam. By the way, who is Joshua? Is he your boyfriend?" Pinagpawisan ako ng malalapot. Hindi pwedeng masira ang diskarte ko sa lalaking kaharap ko. Siya pa naman ang tulay ko para umangat mula sa squatter area na kinasasadlakan ko. "Jia, who is Joshua?" tanong ulit ni Drey. "Gusto mo bang makilala si Joshua," sabad ng isang tambay sa usapan namin. "Siya ang boss namin at handa kaming pumatay kapag inapakan ang pagkatao niya." Nakita kong naging malikot ang mata ni Drey. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang sariling pawis. "I'm not looking for trouble," sagot ni Drey. "Kami rin ay hindi nag-uumpisa ng gulo pero sa nakikita ko ay baka magkagulo. Huwag mong pakialaman ang pagmamay-ari ni Joshua dahil marami kaming makakalaban mo." Napanganga ako sa sinasabi ng kapitbahay nina Joshua. Napaisip ako kung bakit ganoon ang mga sinasabi niya. Teka, kilala ko ba talaga ang bestfriend ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD