CHAPTER 9

1943 Words
JOSHUA'S POV Hindi ko sinasadyang halikan sa labi si Jia ng gabing iyon pero hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Gusto ko siyang parusahan dahil sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing wala na siyang ibang bukang bibig kun'di ang pangarap niya ngunit mahal ko talaga siya. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral pero hindi basehan iyon ng pagiging talunan ko. Hindi ako naniniwala na diploma ang magdidikta ng aking tagumpay. May trabaho ako pero hindi ko iyon gustong ipabatid sa kahit kanino lalo na kay Jia hanggang hindi niya nakikita ang halaga ko bilang tao. Iilang piling tao lang ang nakakaalam tungkol sa trabaho ko. Mga taong masasabi kong mapagkakatiwalaan ng lahat ng sikreto ko. Wala akong ibang hangad kun'di ang mahalin ako ni Jia bilang ako, hindi dahil sa pera o anumang materyal na bagay. Tanging kay Jia lang kasi umiikot ang mundo ko. Panay ang paramdam ni Amanda ngunit iwas din ako ng iwas. Kapag nandiyan lang si Jia, saka ko pinapansin si Amanda para pagselosin ang babaeng mahal ko. Baka sakaling kapag nakita niyang may ibang babae na nandiyan para sa akin ay bumigay siya at pakinggan ang puso niya. Hindi totoong nililigawan ko si Amanda katulad ng sabi ko kay Jia, kasinungalin iyon. Sinabi ko lang iyon sa kababata ko para maalarma siya pero mukhang walang epekto sa kaniya. Matuling lumipas ang mga araw pagkatapos ng ginawa ko kay Jia, bigla kaming nagkita ni Jia sa may barangay hall. Iiwas pa sana siya ngunit bigla ko siyang hinarangan. Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nag-uusap. "Jia, galit ka ba?" "Huwag ngayon, Joshua. Mainit ang ulo ko!" Itinulak ako bahagya ni Jia dahilan para mapadikit ako kay Amanda na nasa likuran ko pala. Agad akong niyakap ng babaeng nasa likuran ko dahilan para mapangiti ako. Katulad ng dati, gagamitin ko ang sitwasyon na iyon para makita kung mahal pa ba ako ni Jia o hindi na. Ngunit blangko ang mukha ni Jia. Wala akong makitang emosyon doon kahit hinihimas na ni Amanda ang abs ko. Ang mga tingin niya ay tumatagos lamang sa amin ni Amanda. Gusto kong magtanong sa kaniya pero walang salitang lumabas sa mga bibig ko. Pinaghahalikan na kasi ako sa pisngi ni Amanda. "Jia, ngayon lang kita nakitang umuwi. Saan ka na ba tumutuloy?" tanong ni Amanda. "Hindi ka umuuwi?" usig ko kay Jia. "Busy ka kasi kaya hindi mo alam. Laro at babae kasi ang inaatupag mo palagi," sagot ni Jia sa akin. Nakangiti ito kaya nalito ako sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Hindi siya galit sa tono ng pananalita niya. Ibig bang sabihin ay wala siyang nararamdaman sa akin? Pero sabi niya ay mahal niya ako, iyon nga lang ay mas matimbang ang pangarap niya. Bigla akong mas lalong naguluhan sa sitwasyon namin. Umaasa pa rin kasi ako na kahit sinabi niyang mananatili na lang kaming magkaibigan ay hindi mawawala ang damdamin niya sa akin. Na sa huli, ako pa rin ang pipiliin niya at hindi si Drey na ilang araw niya pa lang nakikita at ilang beses niya pa lang nakausap. "Kayo na ba?" wala sa sariling naitanong ko kay Jia. Ang tinutukoy ko ay si Drey. Tumawa lang si Jia saka dumeretso ng lakad. Iniwan ko si Amanda na hindi naman naghabol at sumunod ako kay Jia para makausap siya. Sa eskinita ay nakasalubong namin si Tita Emelia. Buhat niya ang 'santabak na nilabahan. Nagmano ako sa kaniya at nag-offer na tutulungan ko na siya sa pagdala ng mga iyon. Ngunit tumanggi si tita kahit anong pilit ko kaya sinundan ko na lang si Jia. Gusto ko kasing maliwanagan din kung ano ang ginawa niya ng mga nakaraang araw. Ang selos na nagsisimula ng umalsa sa puso ko ay hindi ko na mapigilan. Ngunit hahakbang pa lang ako papasok sa pintuan ng bahay nila ng isinara iyon ni Jia. Tumama ang pinto sa mukha ko dahilan para mahilo ako. "Jia, ano ba, may problema na naman ba tayo?" Wala akong sagot na narinig mula sa loob ng bahay. Naiinis na kinalabog ko ang pinto. Wala akong pakialam kahit umuuga na ang bahay nila at malapit ng magkalas-kalas. "Ano ba iyan, ang ingay naman!" sigaw ng kapitbahay nina Jia. Napamura ako. Kahit magiba ang bahay nila ay hindi lalabas si Jia. Napabuga ako ng hangin sa tindi ng inis. "Jia, kapag hindi mo ito binuksan, ipagsisigawan ko talaga rito na mahal kita." Sumilip si Jia sa maliit na bintana at nakasimangot na hinarap ako. "Sige, sumigaw ka hanggang gusto mo. Sabihin mo na rin na isa kang dakilang palamunin at walang silbi sa lipunan kaya ayaw ko sa'yo." "Ang sakit mo namang magsalita." "Nasaktan ka? Hoy, Joshua, aanhin ko iyang tapat na pag-ibig mo kung puro nilugaw ang ipapakain mo sa akin? Hindi ako kayang busugin niyang bay*g mo!" Natigalgal ako. Kung alam lang sana ni Jia kung gaano ako nagsisikap para sa aming dalawa. Ngunit natatakot ako kaya hindi ko iyon masabi sa kaniya. Kinakabahan ako na baka kapag dumating ang panahong bumagsak ako ay iwan niya lang ako sa kangkungan kaya nais ko sanang maimulat muna ang mga mata niya na ang pera ay nahahanap lang pero mahalaga pa rin ang pagmamahal. Dahan-dahan akong lumayo sa bahay ng kaibigan ko. Nang makita ko ang tropa ay nagbilin ako. "Kapag nakita n'yo si Jia at nagtanong kung nasaan ako, sabihin n'yo busy ako sa laro." Gulat na napatingin sa akin sina Mico at Harold. Ngumiti sila ng makahulugan pero iniwan ko na sila ng walang sabi-sabi. Sa bahay ay nagmukmok ako. Tinatanong ako nina papa at mama kung ano'ng problema pero hindi ako nagsalita. Kinuha ko ang bagong biling laptop ni mama at tsaka ako pumasok sa aking slid. Doon ay isinubsob ko ang aking sarili sa trabaho. Dama ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa matinding selos. Alam kong sa loob ng ilang linggo na hindi umuwi si Jia ay marahil trinabaho niya na ang mapalapit kay Drey katulad ng plano niya. Gabi na ng magising ako. Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa kusina. Mabilis ang mga hakbang ko sa pag-aakalang si Jia ang katulong ni mama sa pagluluto ngunit si Amanda ang naroon. "Joshua, mabuti at gising ka na. Kakain na tayo. May dalang litsong manok si Amanda," sabi ni mama. Dahil sa pagkadismaya kaya lumabas ako ng bahay nang walang paalam. Nakita kong maraming nag-iinuman sa kanto. Niyaya ako ng mga kakilala ko kaya nakiumpok na rin ako. Kailangan ko ng makakausap kasi para akong sinasakal sa tuwing naiisip kong si Jia na mismo ang gumagawa ng hakbang para maging sila ni Drey. Nakakailang tagay pa lang ako ng may nag text sa akin. "Tatayo ka riyan o pupukpukin kita ng bote." Si Jia ang nagpadala ng mensahe at nakatayo siya sa 'di kalayuan habang nakahalukipkip ang mga braso. Nagpaalam ako sa mga kainuman ko at nilapitan ko siya. Nakapameywang na siya at masama ang tingin sa akin. Napakamot ako ng aking batok. Nalusaw lahat ng hinanakit ko kay Jia. Ang maingay na paligid ay balewala sa akin. Tanging sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko. "Ayusin mo nga iyang buhay mo. Palamunin ka na nga nina tita, pasaway ka pa," sermon niya. Tulad ng dati ay wala akong pakialam at inakbayan ko siya. Sanay na siya na ganoon ako sa kaniya kaya iginiya n'ya ako pauwi ng bahay namin kahit ang totoo ay hindi ako lasing. "Kailan ba kami makakahigop ng sabaw?" tanong ng isang kainuman ko kanina. "Sabaw ba ang gusto mo? Bumili ka roon kay Aling Maita. May special sahog pa," mataray na sagot ni Jia. Pagdating sa court ay tumigil siya sa paglalakad. Ang mga mata ng mga tambay sa amin ay nakatingin na naman sa amin ni Jia. Nakasanayan ko na iyon pero sadyang mapagpatol ang kaibigan ko. "Joshua, kapag talaga may nangailangan ng eye donor, ipagbibili ko ang mata ng mga tao rito." Bahagya akong napangiti sa tinuran ng kaibigan ko. Ang timbre ng boses ni Jia ay sapat upang marinig siya ng mga nag-uumpukan sa gilid ng court. Umupo kami sa kaliwang bahagi ng court. Halatang problemado si Jia dahil nakasimangot ito. "Saan ka nagpirmi? Niligawan mo na ba si Drey?" kulit ko sa kan'ya. "Tigilan mo ako. Hindi na kami nagkikita noon. Doon ako kina Rochelle tumuloy kasi may tinapos kaming mga projects." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi n'ya. Akala ko ay sila na talaga ni Drey at wala na akong pag-asa. "Josh," malambing niyang tawag sa akin. Alam ko na kapag ganoon niya ako tawagin ay may gumugulo sa isip niya. "May website na nag-aalok sa akin para maging pioneer seller nila." Napatingin ako sa kaniya. Sinuri ko ang damdamin niya. "Legal ba?" tanong ko. "Hindi ako alam. Naisip ko na magaling ka sa computer at sa mga anik-anik tungkol sa technology kaya itatanong ko sana sa'yo kung nabalitaan mo na ba ang tungkol sa ShopOkay." Hinilot ko muna ang sintido ko. Hindi ko alam ang isasagot kay Jia ng mga oras na iyon. Titig na titig naman siya sa mukha ko. "ShopOkay, anong meron sa website na iyan?" "Bagong website siya, Josh, na kung saan pwedeng magbenta ang mga sellers. May mga offer silang free delivery. Sabi ng kakilala ko, maganda raw magbenta roon pero kailangan ko ng puhunan kasi cash on delivery ang karamihan sa transactions. May natitira pa akong pera mula kay Drey, pwede ko iyong gamitin." Walang pumasok sa ulo ko sa mga sinasabi ni Jia. Alam kong determinado siya ngunit nag-aalinlangan siya na baka maloko siya. "Bigyan mo ako ng isang araw para malaman kung legit sila." Masayang yumakap sa akin si Jia ngunit bigla kaming pinaglayo ng isang tikhim muka sa likuran. "Gusto mong maging teacher pero kung makalantari ka sa lalaki, sa hararan pa talaga ng mga bata," wika ng Tiya Minda ni Jia. Umirap si Jia sa tiyahin niya sabay tayo. Walang lingon na iniwan ako nito at dumeritso siya ng uwi. Pagdating sa bahay ay kinurot ako ni mama sa may kilikili. Sumunod kasi ang tiyahin ni Jia sa bahay at pinagsalitan si mama ng ng hindi maganda. Sumabad pa ang mga tsismosa kaya lalong uminit ang ulo nito. Mabuti at wala na si Amanda. "Sabihan mo, Merced, ang anak mo. Aba, kung hindi niya kayang panagutan ang pamangkin ko, layuan n'ya!" "Hoy! Hindi ikaw ang nanay ni Jia kaya wala kang karapatang mag-demand," sagot ni mama. "Tiyahin n'ya ako kaya may boses pa rin ako. Isa pa, ayaw ko sa anak mong batugan. Mas bagay sila ni Amanda, p*kp*k!" Saktong dumadaan ang ina ni Amanda sa eskinita namin kasi nagpapataya siya sa sugal. Bigla nitong hinablot ang buhok ni Aling Minda. "Halika rito, Minda! Kapag wala pala ako ay inaalipusta mo ang anak ko!" Sinapak ni Aling Berna si Aling Minda habang hawak niya sa buhok ang huli. Hindi naman nagpatalo ang tiyahin ni Jia. Kinalmot niya ang mukha ng ina ni Amanda. Nagpatuloy ang sapakan nila. Kapwa na pasa ang mga mukha nila pero walang gustong magpatalo. Nagpagulong-gulong sila sa harapan ng bahay namin at hindi alintana ang ihi ng pasaway na pusa. Lahat ng masasakit na salita laban sa isa't-isa ay naglabasan. Daig pa nila ang mga leon sa sobrang tapang nila. Si papa ay tinawagan ang pulis na kakilala niya at ilang saglit pa ay nagdatingan na rin ang mga tanod. Dahan-dahan akong pumasok ng bahay dahil tiyak kong kahit binata na ako ay malalagot ako sa mga magulang ko pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko lalo na at nalaman kong hindi pa nagsisimulang gumalaw si Jia para mapalapit siya kay Drey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD