CHAPTER 8

2038 Words
JIA'S POV Ilang araw din kaming hindi nagkibuan ni Joshua. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang niya na uuwi na ako sa bahay namin dahil wala ng kasama si nanay. Ang Tsong Arvin ay hindi na umuwi simula ng binugbog niya ang aking ina kaya magiging tahimik kami kahit paano. "Jia, bukas palagi ang bahay namin para sa'yo," sabi ng papa ni Joshua sa akin. "Salamat po sa palaging pagtanggap n'yo rito sa akin." Ngumiti si Tita Merced, ang ina ni Joshua. Alam kong wala naman siyang galit sa akin ngunit dahil sa mapanuring mata ng mata tao kaya niya ako pinaghahanap ng bahay. Mabait siya at maalaga kaya kahit pinagsasabihan niya ako minsan ay hindi sumasama ang loob ko. Inutusan ni Tito Hernan si Joshua na ihatid ako bahay namin. Dahil papa niya ang nagsabi kaya hindi nakatanggi ang kaibigan ko kahit halatang iniiwasan niya ako. "Kayong dalawa ba ay magkagalit?" tanong ni tita. "Hindi po," sagot ko ngunit opo ang isinagot ni Joshua. Nagkatinginan tuloy ang mag-asawa. "Ayusin n'yo iyang problema n'yo. Mga bata pa lang kayo ay matalik na kayong magkaibigan. Huwag n'yong sayangin ang mga panahong pinagsamahan n'yo dahil sa mga walang kwenta n'yong away," mahabang litanya ni tita. Ngumiti ako. Lumapit ako sa mama ng bestfriend ko at kumapit sa braso nito. "Si Joshua po kasi, tita…" "Tumigil ka, Jia!" singhal ni Joshua sa akin. "Hali ka na nga, umuwi ka na." Hinawakan ni Joshua ang backpack ko at hinila niya ako palabas ng bahay nila. Naiwang nagtatawanan naman ang mga magulang n'ya. "Ipapahamak mo na naman ako," sabi ni Joshua. "Kahit masyado ka ng mapanakit, mahal talaga kita kaya umayos ka." Inakbayan ako ni Joshua kahit na maraming mata ang nakatingin sa amin. Nadaanan namin si Amanda na nakaupo sa isang motor kaya kinawayan ko siya. Bakas sa mukha nito ang inggit sa nakikita niya. "Tapos na ba ang honeymoon?" alaska ng mga lalaking nakatambay rin sa kalsada. Tiningnan ko ang mukha ni Joshua. Bakas doon ang kayabangan kaya siniko ko siya. Baka kasi nakalimutan niya ang pinag-usapan namin kagabi na ititigil na lang niya ang panliligaw para mapanatili pa rin namin ang aming pagiging magkaibigan. "Joshua, huwag mong kalimutan ang lakad natin mamaya!" pahabol na sigaw ni Amanda. "May lakad kayo?" tanong ko kay Joshua. Ang isip ko ay mabilis na namang gumana. Sa mga ipinakita sa akin ni Joshua nitong mga nakaraang araw ay alam kong mabilis ma-turn ang kaibigan ko. Alam kong kapag nagsama sila ni Amanda sa isang siid ay imposibleng walang maganap sa kanila. "Nanliligaw ka ba kay Amanda?" tanong ko. "Oo, para makalimutan kita. Tama ka naman sa sinabi mo kagabi. Pwedeng masayang ang friendship natin kung papasok tayo sa isang relasyon lalo at magkaiba tayo ng direksyon sa buhay." Parang sinaksak ang puso ko. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero hindi, may pangarap ako at hindi ko susukuan iyon. Alam kong ano man ang mangyari ay may isang Joshua pa rin ang nasa likod ko na handa akong damayan. Mas mabuting ganito kami kaysa maghiwalay kami dahil sa magkaiba naming pangarap. Sa bahay ay nadatnan namin si Tsong Arvin. Iniimpake nito ang mga damit niya. Panay ang lambitin ng aking ina sa kaniya kahit na sinasaktan na nito si nanay. Ang tanga ng nanay ko sa paningin ko. Iyon ang dahilan kaya takot din akong makasama ang taong mahal ko dahil baka makalimutan ko rin ang tama at mali. Baka makalimutan ko rin ang aking sarili katulad ng kung paano hindi nagtira ang aking ina para sa sarili niya dahil sa lintik na pagmamahal. Nakita kong pumutok na ang noo ni nanay. Duguan na ang mukha niya at kasabay noong umaagos ang mga luhang sinasayang niya lang sa walang kwentang lalaki. Natulala na lang ako sa nakikita ko. Walang emosyon na pinanonood ko lang sila. Hinawakan ako ni Joshua sa kamay at hinila ako palayo sa bahay. Dama ko ang higpit ng kapit niya sa mga nanginginig kong daliri. Nang may makitang tanod ay agad siyang nagsumbong at pinapunta iyon sa bahay namin. Sa labasan kung saan ako pinaupo pansamantala ni Joshua ay nakita ako ng papalabas ng si Tsong Arvin. Walang ano-anong sinugod ako nito kahit may mga tanod itong kasabay. Napayuko na lang ko dahil sa takot. Inihanda ko na ang aking sarili sa isang kamaong tatama na naman sa katawan ko. Sanay na kasi ako sa mga pananakit ni tsong. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit na akong nagkasugat sa ulo dahil doon. Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala pa ring kamaong tumatama sa mukha ko. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko si tsong na duguan ang bibig habang nakakuyom ang mga kamao ni Joshua na nakatayo sa harapan ko. "Ipakukulong kita! Hay*p ka! Wala kang karapatang makialam sa isyu ng pamilya!" sigaw ni Tsong Arvin. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nagtago ako sa likod ni Joshua. Maldita ako, pero kapag sinasaktan ako ng amain ko ay nawawala talaga ang katarayan ko. Buong katawan ko ay nanginginig dahil sa truma. Hinawakan ni Joshua ang mga kamay kong nakakapit ng mahihpit sa damit niya. Rinig ko ang nakakainsultong tawa niya. "Bago mo ako makasuhan, ikaw muna ang ipakukulong ko. May mga ebidensya akong kinuha sa hospital sa pananakit mo kay tita. Duwag ka! Wala kang bayag! Babae lang ang kaya mong saktan!" Nagkagulo sa labasan. Sinugod ni tsong si Joshua ngunit hindi nagpatalo ang kaibigan ko. Sigaw ako ng sigaw habang nagpapambuno sila sa harapan ko. Wala sa sariling niyakap ko si Joshua pagkatapos silang awatin ng mga tanod. Ang mga tropa ni Joshua ay nagdatingan. Mas lalong naging mainit ang sitwasyon. Mabuti na lang at nakinig silang lahat ng sinabi ni Joshua na wala ng makikialam pa. "Huwag ka ng umiyak. Ayos lang ako. Ikaw, okay ka lang ba?" tanong ni Joshua habang yakap ako. "Hindi ako papayag na saktan ka pa niyang muli. Huwag ka ng matakot." Sunod-sunod kong pinunas ang mga luha ko habang tinitingnan ang kaibigan kong nagtatangis ang mga bagang. Hinawakan niya ang mukha ko at tinulungan ako magpunas ng luha. "Jia, tahan na. Pumapangit ka," biro niya dahilan para mapangiti ako. Dinala ng mga tanod si Tsong Arvin sa barangay hall. Pinasusunod nila si Joshua na tumango naman. Nahihiyang lumayo ako sa lalaking kanina lang ay handang pumatay ng tao para sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kita ko ang mga matang mapanuri, nanghuhusga at naiinggit. Isa si Joshua sa mga lalaking madalas pantasyahan ng mga kababaihan at ng mga bakla kaya alam kong ang mga naroon ay hindi lang nakikisimpatya sa akin. Si Amanda ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kalsada habang nakahalukipkip ang mga braso niya at nakatingin sa amin. Iniuwi ako ni Joshua sa bahay. Si nanay ay iyak ng iyak dahil iiwan na raw siya ni Tsong. Nag tengang kawali na lang ako para hindi ko na madagdagan pa ang sama ng loob niya pero ang puso ko ay nagdiriwang dahil sa ginawa ni Joshua. Gabi na, ang utak ko ay ayaw pumirmi. Nababaliw ako kakaisip sa maaring ginagawa nina Joshua at Amanda. Kahit busy ako sa pagpapadala ng invoice sa mga pay fist buyers ko isinisingit ko ang pagtawag sa cellphone ni Joshua. Hindi ako mapakali. Si nanay ay maagang nakatulog dahil sa kaiiyak. Bumaba ako sa barong-barong naming bahay at naglinis ako ng kusina. Gusto kong mapagod para makatulog na ako. Mamimili ako bukas ng mga paninda kaya dapat sapat ang tulog ko. Nang matapos ko na ang mga gawaing bahay ay naligo ako. Ngunit hindi talaga ako dalawin ng antok kaya muli akong bumaba. Sa pagkakataong iyon, pupuntahan ko si Joshua sa bahay nila kahit alas dyes na ng gabi. Nang makalabas ako ng eskinita ay nakita ko si Joshua na nakatambay sa kanto. Agad niya akong nakita kaya kumaway siya. Kasama niya ang mga gamers na tropa niya sa lugar namin. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. Kusa na siyang lumapit sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko masabi sa kaniya na pupunta dapat ako sa bahay nila. "Ah, ano, bibili ako ng makakain. Gutom na ako," pagsisinungaling ko. Bigla ko tuloy natampal ang noo ko. Sa dami kasi ng idadahilan ay iyon pa ang naisip ko. Nakalimutan kong wala pala akong dalang pera. "Saan ka pupunta? Akala ko ba, bibili ka ng pagkain?" tanong ulit ni Joshua ng pumihit ako pauwi sa amin. "Nalaglag yata ang pera ko. Kukuha lang ako sandali," pagdadahilan ko. Agad humakbang si Joshua at umakbay sa akin. Naiilang na tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko. "Bakit ka pa sumunod?" "Madilim kasi sa eskinita n'yo kaya sasamahan na kita." Pagtapat namin sa mas madilim pang parte ng eskinita ay naramdaman ko ang pagnakaw niya ng halik sa pisngi ko. "Ang bango mo naman," sabi n'ya. Nanindig ang mga balahibo ko. Kakaiba ang dating sa akin ng halik na iyon. Nakakahilo at nakakahingal. Hindi ko nagawang magalit o magtampo sa lalaking kasama ko. Napahawak na lang ako sa pisngi ko bago ako tumikhim ng ilang ulit. "Akala ko ba ay may lakad kayo ni Amanda," sabi ko. Ngunit hindi sumagot si Joshua. Ginagap niya lang ang kaliwang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Saktong nasa tapat na kami ng bahay namin. "Matulog ka na. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Mahal kita." Napanganga ako. Ito ang lalaking ipinagtutulakan ko palayo pero ilang oras lang na hindi ko makita ay nababaliw na ako. Napailing ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. "Nagugutom talaga ako," sabi ko para lang pawiin ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "Huwag ka ng lumabas. Hintayin mo ako rito, ibibilii kita ng pagkain." Bago pa ako nakapagsalita ay tumalikod na siya. Alam kong wala siyang pera kaya nakonsensya ako sa kaartehan ko. Ilang minuto rin akong naghintay. Ilang saglit pa ay dumating si Joshua dala ang paborito kong order-in sa isang fast food chain. Hindi na ako nagtanong kung saan galing ang pera niya dahil tiyak akong galing iyon sa papa at mama niya. Dahil ako lang ang binilihan niya ng pagkain at hindi siya bumili para sa sarili niya kaya pinilit ko siyang subuan. Ang saya sa pakiramdam na ganoon kami. Daig pa namin ang mag-jowa pero alam kong walang kami. "Na-miss mo ako, ano?" tudyo niya sa akin. Naramdaman ko ang pagmumula ng aking pisngi. Ang galing talaga ni Joshua sa pagbasa ng naramdaman ko. "Hindi ah! Nagugutom talaga ako," tanggi ko. Hindi na siya kumibo at tinitingnan na lang ang mukha ko. Naiilang na tinampal ko ang kaniyang noo para mawala sa akin ang atensyon nya. Bago siya umalis ay mabilis akong umakyat sa maliit kong silid. Kumuha ako ng pera mula sa tira ng pinapalitan kong tseke na galing kay Drey. "Ano ito?" nagtatakang tanong niya sa akin ng iabot ko ang pera sa kamay niya. "Alam kong wala kang pera kaya babayaran ko iyong ibinili mo ng pagkain ko," sagot ko. Biglang kumuyom ang mga kamao ni Joshua. Nawalan din siya ng imik ng halos sampung segundo. Pagkatapos ay padabog na inilapag niya sa maliit na lamesa naming nasa tabi niya ang isang daan na ibinigay ko at walang lingon na iniwan niya ako. Hinabol ko si Joshua. Ayaw kong maghiwalay kami ng gabing iyon na magkaaway kami. Wala akong pakialam kung gabing-gabi na ay nasa labas pa rin ako. Malakas kong tinawag ang pangalan niya. Ngunit hindi siya lumingon. Hindi niya ako tinapunan ng tingin kahit nahulog ako sa mabahong kanal sa gilid ng eskinita namin. Nang maabutan ko siya ay marahas ko siyang iniharap sa akin. Hinihingal ako kaya hindi ako halos nakapagsalita. "Matulog ka na, Jia. Gabi na," malamig niyang sabi. "Ano'ng problema? Bakit nagagalit ka?" "Hindi pa ako pulubi para bigyan mo ng limos galing sa lalaking iyon." Hindi ako nakaimik. Noon ko lang naisip na nasaktan ko siya ng hindi ko sinasadya. Ipinihit ako ni Joshua at itinulak pabalik ng bahay. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay saka lang ako nagkalakas ng loob na humingi ng tawad sa kaniya. Subalit hindi salita ang itinugon niya sa akin kun'di isang mapagparusang halik sa aking labi na hindi ko inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD