CHAPTER 7

1923 Words
JIA'S POV Nakaalis na si Drey ngunit ang isip ko ay abala sa nakita kong itsura ni Joshua kanina. Parang kinukurot ang puso ko lalo at hindi na siya bumalik pa. Si Joshua ang huling taong gusto kong masaktan pero para sa pangarap ko ay nagawa ko na iyon. Bago maghating gabi ay dumating si Amanda. Halos lumuwa na ang dibdib niya sa kaniyang suot na manipis na sandong itim. Ang maputi niyang hita ay litaw na litaw sa pekpek short na suot niya. Alam kong maganda ako pero minsan ay insecure ako sa kababata kong ito. Hindi ko kasi kaya ang fashion niya. "Oh, ipinahahatid ni Joshua. Hindi na siya makakapunta rito kasi napalaban na ng inom sa tropa." Kumunot ang noo ko. Imposible na napainom agad si Joshua dahil kanina lang ay naroon siya sa labas ng pintuan ngunit hindi ko na kinontra si Amanda. Mataray ang babae katulad ko kaya umiiwas ako na mag-away dahil baka hindi ko mapigilan ang bibig ko. "Aalis din ako agad, Jia. Doon kasi matutulog si Joshua sa bahay. Nag-iinuman sila nina Kuya at ng tropa natin. Baka mamaya ay mapasobra ang inom niya kapag wala ako roon." "Doon matutulog sa inyo si Joshua?" "Busy ka kasi sa pagraket-raket mo. Hindi mo tuloy alam na nanliligaw na sa akin si Joshua. Nagpapakipot lang ako ng kaunti pero sasagutin ko na siya." Uminit ang ulo ko. Kanina lang ay yakap ako ni Joshua at tinatawag pa akong asawa ngunit heto sa harapan ko ang isang babae at sinasabing nililigawan rin ng lalaking iyon. Sa kabila ng sakit ay napangiti ako. Wala nga pala akong karapatan. "Wow, ang galing! Kapag naging kayo, balitaan mo ako agad. Maganda iyan, hindi ko na siya kailangang ipagtabuyan pa palayo." "Ipagtabuyan? Bakit nanliligaw ba siya sa iyo?" "Hindi, Amanda," pagsisinungaling ko. "Bilang bestfriend niya, syempre ako ang unang taong maghahangad na magka-jowa na siya." Ang kaninang inis sa mukha ni Amanda ay biglang nawala. Umaliwalas ito bigla. Kung may pagalingang umarte ay waging-wagi ako kaya hindi niya nakita sa mga mata ko ang kirot na aking nararamdaman. Kinapa ko ang aking puso. Dama ko ang kirot doon ngunit masaya ako na may isang taong handang saluhin si Joshua kung sakaling maging kami na nga ni Drey. Simula bata pa lang ay para akong walang ina. Minsan tira-tirang pagkain ng kapitbahay ang umagahan, tanghalian at hapunan ko kaya gusto ko talagang umangat kahit paano mula sa mabahong lugar na tinitirahan ko. "Jia, mahal ko si Joshua. Alam kong pareho tayo na pera ang diyos pero iisang lalaki lang talaga ang laman ng puso ko." "Sana kay Joshua mo sinasabi iyan," maikling sagot ko. "Maging masaya ka sana para sa amin," mahinang sabi niya. Dama ko ang pait sa tono niya. "Oo naman!" Sinabayan ko ng tawa iyon para makumbinse siya. Hindi ko alam kung saan siya nasasaktan. Ayaw ko ng alamin pa. Umuwi agad si Amanda pagkatapos naming mag-usap. Naiwan akong binabantayan ang tulog kong nanay habang halos mabaliw ako kakaisip kung ano na kaya ang ginagawa nila ni Joshua ng mga oras na iyon. Ginulo ko ang mahaba at maganda kong buhok. Kinuha ko ang cellphone at wala sa loob na tinawagan ko si Joshua. Ngunit hindi siya sumasagot. Isa, dalawa, tatlo… Umabot na ng bente ang missed calls ko sa kaniya pero wala talagang sagot akong nakuha kahit nag-ri-ring naman ang cellphone niya. Napagod ako sa ka-da-dial. Ibinalibag ko ang cellphone sa ibabaw ng higaan ni nanay. Ngunit ilang saglit lang ay tumunog iyon. Mabilis kong kinuha ang gadget na kanina lang ay inihagis ko at excited ko itong binuksan sa pag-aakalang si Joshua ang nag-text. "I'm home. I respect your wish na hindi ako makialam sa bill ng nanay mo. But I won't accept 'no' next time." Walang ka-emo-emosyon kong inilapag ulit ang cellphone pagkataps kong mabasa ang text ni Drey. Naiinis ako sa aking sarili kung bakit sobra akong apektado sa sinabi ni Amanda gayong ipinagtutulakan ko naman talaga palayo si Joshua para maabot ko ang mga pangarap ko. Dumating ang umaga na walang Joshua na nagpakita ulit sa hospital. Kahit ang babaero kong amain ay hindi rin dumalaw. Pinayagan na kami ng doctor na umuwi kaya naman agad kong inasikaso ang bills ni nanay. Napakamot ako sa ulo dahil sa mga binayaran ko. Gusto kong hampasin ang Tsong Arvin ng haligi ng bahay namin kapag nakita ko siya pero alam kong hindi ko magagawa iyon. Madalas ay ako ang bugbog sarado sa kaniya kahit noong bata pa ako. Pagkalabas ng hospital ay nakita ko ang mga ng tsismosa sa eskinita namin. Alam kong pagkababa namin ng tricycle ay kami agad ang nasa dila nila. Saktong nakita ko si Aling Bebang na bumibili ng soft drinks sa isang maliit na tindahan. "Aling Bebang, may live selling ako bukas!" "Ano'ng bago sa paninda mo, Jia?" "Maghanda ka ng piso kasi ang cheap lang ng paninda ko. Mga tsismosa kasi silang may mahahabang dila!" sigaw ko. Naging malikot ang mga mata ng mga nasa umpukan. Yumuko sila habang bubulong-bulong. Nakakaamoy ako ng away kaya inihanda ko na ang sarili ko. "May promo ako para sa kanila!" hirit ko pa. "Tumigil ka, Jia. Naghahanap ka ng gulo," saway sa akin ni nanay. At dahil patola itong si Aling Bebang kaya sumagot rin siya sa mga banat ko. "Sige nga. Anong promo iyan? May hubad panty ba?" "Hindi lang hubad panty, tanggal pati lamang loob pa," malakas kong sabi. "EXDSH or kaya EXDSM, papipiliin ko sila kung alin ang gusto nilang delivery sa dalawa." "Jia, iyan ang gusto ko sa'yo. Ang witty mo, girl. Anong meron sa EXDSH at EXDSM?" "Express Delivery Sa Hospital o Express Delivery Sa Morgue." "Walang hiya ka, Jia. Putol dila na lang." Sinundan pa ni Aling Bebang ng matunog na mura ang sinabi niya. Dahil sa malaking babae ito at kilala sa pagiging siga sa lugar namin kaya walang nangangahas na awayin siya o maging ako. Pinagalitan ako ni nanay dahil sa mga sinabi ko. Hanggang makarating kami sa bahay ay panay ang sermon niya. Nang nasa bahay na kami ay hinahanap sa akin ni nanay si Tsong Arvin. Dahil wala ako sa mood na makipag-talo kay nanay kaya nilayasan ko siya. Dahan-dahan akong kumatok sa bahay nina Joshua. Naroon ang mga damit ko at kailangan kong maligo. Absent ako sa klase kaya matutulog na lang ako. Tumayo si Joshua sa harap ng computer. Seryoso ang mukha nito kaya hindi ko magawang alaskahin siya. "Kumain ka na ba? May almusal sa kusina. Kumain ka na lang," tila inis na bungad niya sa akin. Napatigil ako sa paghakbang. Nilingon ko si Joshua na nasa harap na naman ng computer. "Joshua, wala ka bang ibang plano sa buhay mo?" tanong ko. Hindi siya kumibo. Sa tagal na naming magkaibigan, hanggang sa unti-unting nahulog ang loob ko sa kan'ya ay kilala ko na ang ugali ni Joshua. Kapag tahimik siya ay galit o kaya may problema siya. "Joshua, saan ka natulog kagabi?" tanong ko ulit. Ngunit tumayo lang si Joshua at lumabas ng bahay. Wala siyang sinagot isa man sa tanong ko. Naiinis na umakyat ako sa second floor ng bahay nila. Rinig ko pa sa silid na inuukupa ko ang malakas na tawanan nila ng mga kaibigan niya habang nagkukwentuhan sila sa labas lang ng bahay. Nagngingitngit na humiga ako sa kama. Dapat ay maliligo ako pero hindi ko nagawa. Ilang saglit pa ay bumaba ako sa kusina dahil gutom na talaga ako. Hindi ko kasi nagawang kumain kagabi dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha ni Joshua. Bata pa lang ako ay madalas na ako sa bahay nina Joshua kaya komportable ako kahit nasa bahay pa ang mga magulang niya. Hindi kasi ipinaramdam sa akin nina tito at tita na ibang tao ako. Kumuha ako ng kanin at nilantakan ko ang tocino sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng kape para mainitan ang sikmura ko. Naghuhugas na ako ng pinggan ng pumasok si Joshua sa kusina. "Lintek naman, oh! Hindi man lang ako tinirahan ng pagkain!" singhal niya sa akin. Nagulat ako sa inasal niya. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na pinagsalitaan niya ako ng dahil lang sa pagkain. Noon kahit maubusan ko siya ay hindi siya magrereklamo bagkus ay bibili siya ng mas masarap at iinggitin niya lang ako. Dahil sa sinabi niya ay napahiya ako. Nakikitira na nga lang ako, inubusan ko pa ng pagkain ang may-ari ng bahay. "Ibibili na lang kita ng almusal. Anong gusto mo?" Nangingilid ang mga luha sa mata ko at pinipigilan ko iyong pumatak ngunit hindi ko napigilang gumaralgal ang boses ko. Sinuntok ni Joshua ang lamesa dahilan para masindak ako. Napakapit ako sa sink sa likuran ko. "Jia, pwede bang…" Hinintay kong tapusin ni Joshua ang sasabihin niya pero tumalikod na siya ng walang paalam. Pinahid ko ang mga luhang nagsisimula ng umagos sa aking pisngi. Panay ang singhot ko habang ipinagpapatuloy ko ang paghugas. Napapitlag ako ng bigla kong maramdaman ang mga brasong pumulupot sa bewang ko. Dama ko ang bigat ng kalooban ng lalaking nakayakap sa akin mula sa likuran. Ang lalim ng hininga niya ay nagpapahirap sa loob ko. Wala sa sariling humarap ako kay Joshua. Ang mga katawan namin ay magkadikit na dahil sa higpit ng yakap niya. Napalunok pa ako ng mapatingala ako sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano unti-unting bumababa ang mukha niya palapit sa mukha ko. "Bakit 'di mo ako binalikan sa hospital?" hagulhol ko habang sinusuntok ko ang malapad niyang dibdib. "Hindi mo ba alam na takot na takot ako doon kagabi?" "May kasama ka naman doon, 'diba? Ang saya mo nga habang kausap siya." Itinulak ko si Joshua ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Naasiwa na ako sa sitwasyon namin kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Joshua, ayaw ko ng friends with benefits status," bulong ko sa kaniya. Agad akong binitawan ni Joshua. Lumapit siya sa ref at inisang lagok ang malamig na tubig sa tumbler. "Ayaw mo pa kasi na mag level up tayo," narinig kong sabi niya. Hindi ako umimik pero gusto ko siyang sisihin. Kasalanan niya kung bakit pilit kong kinakalaban ang puso ko. Ang pagiging tamad at online gamer niya ay hindi talaga katanggap-tanggap sa akin. Gusto kong maging maalwan ang buhay ko at ng magiging mga anak ko dahil ayaw kong iparanas sa kanila ang hirap na dinanas ko. "Kapag ba nagtrabaho ako kahit crew sa restaurant, payag ka na bang maging girlfriend ko?" "Crew, sa restaurant?" Humagalpak ako ng tawa. "After six months, lay off agad? Huwag na muna Joshua. Hindi mo ako kayang buhayin." Hindi ko minamaliit ang mga crew pero hindi ako kayang patirahin noon sa isang condo o exclusive subdivision. Mahal ko si Joshua, oo, pero may pangarap ako at iyon talaga ang focus ko. Masakit pero alam kong hindi magtutugma kailanman ang mga buhay namin. Ayaw ko namang ako pa ang bubuhay sa lalaking pakakasalan ko. Pagod na akong maging breadwinner, suko na ako sa pagiging mahirap. Bago pa ako nakahuma ay biglang nagsalita si Joshua. "Jia, mahalin mo sana ako bilang ako hindi dahil sa kalagayan ko sa buhay. Kapag nagawa mo iyon, hinding-hindi ka magsisisi." "Whoo! Ngayon pa lang…" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Wala na siya sa kusina. Lumabas siyang hindi na pinakinggan pa ang karugtong ng sasabihin ko. "Ngayon pa lang, Joshua, mahal na kita pero magkaiba talaga ng direksyong tinatahak natin." Kasabay ng pagtulo ng tubig sa gripo ang pagtulo ng luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD