CHAPTER 6

1854 Words
JIA'S POV Tulala ako habang nakatingin sa nanay kong nakaratay sa hospital bed. Kahit naman mahal na mahal niya si Tsong Arvin at nakalimutan niyang nag-e-exist ako sa mundong ibabaw ay mahal ko siya. Puro pasa at bukol si nanay. Naiinis ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses siyang binugbog ng magaling kong stepfather. Ang walang hiyang iyon, may nalalaman pang pawala-wala at manghamon ng away sa mga umawat sa kaniya. "Kumain ka na ba?" tanong ni Joshua. May dala itong lugaw na may itlog. May bitbit din siyang mga kailangan pa namin sa hospital. "Hindi pa nga, eh," ngumiti ako sa kaniya. Pilit na ngiti iyon para kahit paano ay hindi naman siya masyadong mag-alala sa akin. Kilala ko si Joshua, pagdating sa akin ay nagiging sensitibo siya. "Oh, utang iyan ha. May tseke ka naman, babayaran mo ako," sabi nito. Lumabi ako sa kaniya. Alam kong nagbibiro lang ito. "Halika ka nga rito," tawag ko kay Joshua. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nahihiyang napatingin ako sa paligid. "Umayos ka nga. Nakakahiya sa mga tao. Bakit ba ang hilig mong pagsamantalahan ako. Pinalalapit lang kita kasi titingnan ko kung may bukol ang ulo mo," gigil kong sabi sabay kurot sa tagiliran niya. "Pakinig ko kasi ay, 'halikan mo ako'. Masunurin pa naman ako basta si Jia ang nag-utos sa akin." "Dadagdagan ko pa iyang bukol mo. Bwesit!" "Gusto ko iyan," sagot niya. "Ibig kong sabihin, gusto kong ikaw na ang nag-re-request na halikan kita." Naiinis ako kaya tinitingnan ko siya ng masama. Ang lalaking kaharap ko lang naman kasi ang tanging tao na kayang galitin at pakiligin ako ng sabay. Siya lang din ang kayang pagaanin ang nararamdaman ko sa kabila ng mga pinagdadaanan ko. Nagising si nanay dahil sa ingay namin. Si Joshua ay lumayo bahagya at pumwesto sa may bintana. Kaming dalawa lang ang bantay kay nanay dahil wala naman talagang nagmamahal sa kan'ya, walang may pakialam. "Nasaan ang tsong mo?" tanong ni nanay sa akin. "Bugbog sarado ka na't lahat-lahat pero siya pa rin ang iniisip mo. Diyos ko po, nanay, duduguin talaga ako sa'yo." "Hindi lang kami nagkaintindihan noon. Mabait ang tsong mo, alam mo iyan." Nasapo ko ang aking ulo. Hindi ko ma-imagine ang hangganan ng katangahan ng nanay ko. Gusto ko tuloy dagdagan ang bukol niya kung nagkataong hindi ko siya ina. Dumating ang doktor na tumingin kay nanay. Tinanong nito kung balak raw bang magsampa ni nanay ng kaso laban kay tsong ngunit todo iling lang ang aking ina. Nanggigigil akong tumayo sa upuan at lumapit kay Joshua. "Pigilan mo ako at baka pati oxygen tank eh maihampas ko kay nanay," bulong ko sa kaibigan ko. "Paanong pigil ang gusto mo, yakap ba?" Ngumiti si Joshua na parang nag-aasar kaya lalong umusok ang ilong ko. Tiyak kong ang 50,000 na binigay ni Drey ay mapupunta lang sa hospital bill ng nanay ko. Wala na akong magagamit pambayad ng bahay na lilipatan ko. "Puro ka naman biro. Seryoso ako," inis kong sabi. "Sana ako na lang ang seneseryoso mo," mahinang sabi ni Joshua sapat para marinig ko. Gusto kong tumili sa sobrang kilig. Anak naman kasi ng tinapa ang pogi kong bestfriend, walang pinipiling lugar sa mga hirit niya. Kung hindi lang talaga siya tamad baka inilaglag ko agad ang panty ko sa harapan niya. Pikot kung pikot pero wala talaga, wala kasi siyang pangarap sa buhay. Bago ako makabawi sa linya ni Joshua ay tumunog ang cellphone ko. Si Drey ang tumatawag. Alam kong nakita ni Joshua ang pangalan sa screen ng cellphone ko kaya napasimangot ito. Bigla tuloy akong nawalan ng ganang sagutin si Drey. "Sagutin mo, may pera iyan," inis na sabi ni Joshua sabay layo sa akin. "Oo na, mukha na akong pera," gigil kong sagot kay Joshua. "Kapag yumaman ako, ipapamukha ko talaga sa'yo ang kayang bilihin ng pera." Sa inis ko sa sinabi ni Joshua kaya sinagot ko ang tawag ni Drey. Nilakasan ko rin ang boses ko para marinig ni Joshua ang usapan namin. "How are you?" tanong ni Drey. "Medyo hindi ako okay." Sinulyapan ko si Joshua na tinutulungan si nanay na makaupo sa kama. Naghihintay pa kasi kami ng go signal ng doktor kung kailan kami pwedeng umuwi. "Why? Are you still sick?" tanong ulit ng kausap ko. "No, ang nanay ko kasi, narito siya sa hospital. "What is the name of the hospital? I'm free. Gusto kong makita ka." Kinabahan ako sa sinabi ni Drey. Ang unang pagtatagpo nila ni Joshua ay hindi maganda kaya tiyak kong magkakaroon ng gulo kapag pumunta si Drey kung saan kami naroroon. Ayaw kong mapahiya sa hospital at lalong ayaw kong ilagay sa alanganin ang dalawang lalaki. "Ahm, Drey, nakakahiya naman. Busy kang tao kaya okay lang na hindi ka na dumalaw sa nanay ko. Palabas na rin naman siya ng hospital. Hinihintay na lang namin ang sasabihin ng doctor." Tinawag ako ng nurse para bilihin daw ang mga gamot ni nanay. Kaya nagpaalam ako kaagad kay Drey. Si Joshua ay matiim na nakatitig lang sa akin. Wala siyang kibo na nilaro-laro ang susi ng bahay nila sa kaniyang mga kamay. Mabuti at umabot pa ako sa bangko. Mag-i-ika-lima na ng hapon at malapit na silang magsara ngunit ng sinabi ko sa manager na emergency ang dahilan ko ay pumayag siyang palitan ang tseke na aking dala. Habang pinapalitan ng bangko ang tseke na ibinigay ni Drey ay panay litanya ko sa aking isip. Malaking pera na sana iyon pero sa hospital bill at gamot pa mapupunta. Kung hindi lang sana tanga ang nanay ko. Pagkagaling sa bagko ay bumili ako ng mga kulang pang gamit pati na rin gamot ni nanay. Naiinis talaga ako kaya pati ang mabagal at madaldal na saleslady sa bilihan ng adult diapers ay pinag diskitahan ko. Inaway ko siya dahil hindi niya ako iniintindi kahit makailang sabi na ako ng aking bibilihin. Nang mabili ko na ang mga gamot ay mabilis akong bumalik ng hospital. Nadatan ko roon si Tiya Minda na sinesermunan si Joshua. Nakayuko lang ang kaibigan ko habang nakaupo dahil napapahiya na ito sa ibang mga pasyente at bantay. "Kung hindi mo kayang pakasalan si Jia, huwag mo munang ibahay. Hayaan mong makahanap siya ng mayamang lalaki na aahon sa kaniya sa hirap," litanya ni Tiya. "Pabayaan mo na nga Minda ang mga bata. Nasa wastong gulang na sila. Alam na nila ang ginagawa nila," sabi ni nanay. "Igagaya mo pa sa'yo ang anak mo, tanga! Maganda si Jia. Pwede niyang gamitin iyon para umangat sa buhay kesa pumirmi siya sa katulad din nating hampas-lupa!" singhal ni Tiya Minda sa nanay ko. Napatingin ako sa paligid. Lahat ng mga mata at nakatutok kay Joshua na noon ay tinatanggap lang ang mga sinasabi ni Tiya Minda. Biglang kumilos ang mga paa ko at inihagis ko sa kamang hinihigaan ni nanay ang gamot at diapers na binili ko. Agad kong hinawakan ang kamay ni Joshua at hinila ito patayo. "Tara na, Joshua. Masyado ng maraming pakialamera rito. Kunwari may concern pero wala naman." "Aba at bastos itong anak mo, ate!" "Tinuruan po akong gumalang ng nanay ko pero tinuruan din po ako ng mga pinagdaanan ko para lumaban sa mga taong hindi karapat-dapat igalang." Humakbang si tiya para sampalin ako ngunit mabilis akong nayakap ni Joshua kaya sa likod niya tumama ang kamay ni tiya. Nagwawala si Tiya Minda sa galit habang ako ay hindi na rin napigilan ang sagutin siya ng paulit-ulit. Ilang saglit pa ay dumating ang mga guwardiya ng hospital. Inutusan nila kaming lumabas dahil nakakaistorbo kami sa mga pasyente. Naging matigas ako kaya ang si tiya ang pinauwi. Umalis din muna si Joshua para umuwi sa kanila. Nang maiwan kami ulit ni nanay ay hindi ko napigilang tapunan siya ng masamang tingin. Buong buhay ko kasi ay balewala ako sa babaeng kaharap ko. "Ayusin mo ang tingin mo, Jia. Sumosobra ka na sa kamalditahan mo." Hindi ako sumagot. Sa halip ay nagdasal akong sana bumalik kaagad si Joshua. Siya kasi ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Ilang oras na ang lumipas. Alas-otso na pero hindi pa rin bumalik ang kaibigan ko. Si Nanay ay nakatulog na dahil siguro sa epekto ng gamot. Doon ko lang napansin ang mas marami pang kulay ube na nagkalat sa katawan nito. "Sana kapag nagkaroon ako ng asawa ay hindi ako magaya sa iyo," bulong ko habang nakatingin sa aking ina. Dahil sa pagod kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo. Isang hawak sa balikat ang humihila ng diwa ko sa kasalukuyan. "Joshua, antok pa ako. Bakit ang tagal mo?" Hindi sumagot ang taong humawak sa balikat ko. Nagising na lang ako ulit dahil sa tinig ng nanay ko. "Gusto mo bang kumain, 'nay?" tanong ko kay nanay. Umiling lamang ito at tumingin sa nasa likuran ko kaya napalingon na rin ako. "Drey?! Drey, ikaw nga! Ano'ng ginagawa mo rito?" "I want to know if you're in a good situation." "Wow! Dinaig mo pa ang isang detective sa galing mong mag-imbestiga," masaya kong sabi. Nang makita ko ang gwapong mukha ng bisita namin ni nanay ay nakalimutan ko ang pang-famas na acting ko dapat sa harapan niya. "You're tired. You should rest properly. I will request to transfer your mommy in the private room," sabi ni Drey. Nalula ako. Private room? Saang lupalop ng mundo ko hahagilapin ang pambayad doon? Napatitig ako sa mukha ni Drey bago ako muling nagsalita. "Okay na si nanay rito. Kasalanan niya kaya nabugbog siya. Ayaw ko ring mabugbog sa gastos kaya okay na kami rito." "No,huwag mong isipin ang gastos. Sasagutin ko lahat." Ngunit hindi ako pumayag. Ayaw kong magkautang na loob ang pamilya ko kay Drey hanggang hindi pa nagiging kami. "Paano mong nalaman na narito kami?" tanong ko. "Connection," maikli niyang sagot. Natahimik ako. Hindi na nakapagtataka na sa taglay na yaman ni Drey Montes ay may malawak itong connection. Napakurap pa ako ng bahagya ng mapatingin ako sa mga mata niyang tila ba nangungusap habang nakatingin din sa akin. Napansin kong sunod-sunod ang mga nurse na pumapasok sa silid kung nasaan si nanay. Lahat sila ay napapatingin sa pogi at macho kong panauhin. Lumutang kasi ang kakisigan ni Drey sa suot niyang puting T-shirt at short na khaki. Binagayan pa iyon ng itim na sombrero na kahit nasa loob siya ng hospital ay hindi niya tinatanggal. "Drey, daming nagpapapansin sa'yo," mahinang sabi ko. Tumawa si Drey at iginala ang mata sa paligid. "I am used to that," mayabang na sagot ni Drey. "Talaga?" "Yeah, but I don't mind. I am more focused on work than women." Aray ko po! Basted yata agad ako. Magpapakipot pa nga ako kunwari, red flag agad. Ang saklap naman. "May kasama ka ba?" tanong ko kay Drey. "I have. They are waiting outside this room." Napatango-tango ako hanggang sa napatingin ako sa may pintuan. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Joshua habang nakatingin sa amin. "Joshua," mahina kong tawag sa kaibigan ko. Ngunit hindi niya ako narinig dahil nakatalikod na siya at marahang naglalakad papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD