CHAPTER 5

1929 Words
JOSHUA'S POV Nasaktan ako sa mga sinabi ni Jia ngunit pilit kong binalewala iyon. Nang makita ko ang tseke at calling card ni Drey Montes sa tabi niya habang natutulog siya ay alam kong posibleng mawala sa akin ang aking kababata. Kinuha ko ang inihanda kong meryenda at iniakyat iyon sa kwarto na tinutuluyan ni Jia. Dapat sana kanina ay pabababain ko na lang siya pero minabuti kong pagsilbihan na lang siya. Gusto kong sa paraang iyon ay maramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin kahit hindi ako ang lalaking pangarap niya. Bago ako kumatok sa nakasarang pintuan ay napalunok ako ng ilang ulit. Parang nadarama ko pa kasi ang malambot na labi ng aking matalik na kaibigan. Bigla tuloy akong pinagpawisan dahil doon. Hindi ko sinasadyang bastusin siya, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. "Wow, may pa room service," bulalas ni Jia ng makita niya akong bitbit ang mga pagkain. "Kung ganiyan ka palagi, aba, 'di na ako lalayas dito kahit ipagtabuyan pa ako ni Tita Merced." "Gusto mo ng room service? Patulan mo na ako. Hot and delicious ako." "Huwag ako, Joshua. Hindi ako pumapatol sa lalaking walang pangarap! At teka, saan nanggaling ang hot and delicious na iyan? Mas hot at yummy pa rin sa iyo si Drey." Daig ko pa ang sinuntok ng paulit-ulit dahil sa sinabi ni Jia. Inilapag ko ang tray sa kama at sinadya kong hubarin ang pang-itaas kong damit. Nakita kong napalunok si Jia at dali-daling ininom ng isang lagukan lang ang juice na tinimpla ko para sa kaniya. "Ang sakit mo namang magsalita. Magiging tayo rin at makalilimutan mo si Drey, tandaan mo iyan." "Best of friends lang tayo," sagot ni Jia sa akin. "Matalik na magkaibigan. No more no less. Kung hindi pwede si Drey, ibang lalaki na lang dahil baka ubanin na ako ay hindi pa ako yumayaman sa pagtinda-tinda lang." Tiningnan ko si Jia ng mapang-akit. Alam kong malakas ang epekto ko sa kaniya pero siya ang tipo ng tao na kapag may pangarap, hahamakin ang lahat maabot lang iyon. Ngayon pa nga lang na alam niyang nasasaktan ako ay wala na siyang pakialam. "Sorry, Josh," pagkuwan ay sabi niya. "Mahal naman talaga kita bilang kaibigan or maaring higit pa. Pero alam mong sa buong buhay ko ay puro hirap na ang pinagdaanan ko. Walang makain, walang matirahan, walang magulang na maasahan, alam mo iyon, buong buhay ko ay puro pasakit. Kaya magdamit ka na kasi hindi ako sanay na nakikita ang abs mo baka biglang kagatin ko pa ang pandesal mo." "Bakit ayaw mong lakasan ang electric fan mo rito?" kunwari kong sabi para hindi naman halata na inaakit ko ang babaeng kasama ko sa kwarto. Sinadya kong ibahin ang usapan kasi tagos na talaga sa buong katawan ko ang mga sinabi niya. "Lakasan mo nga, pinagpapawisan na rin ako," patay malisya niyang sabi. Sinunod ko si Jia. Ang totoo ay handa akong sundin lahat ng gusto niya para lang maging masaya siya. Ganoon ko siya kamahal. Pakiramdam ko ay naging napakainit sa silid na iyon kahit may malalaking binata naman. Ang bukas na ceiling fan at ang stand fan ay tila walang epekto sa akin. Napailing na lang ako ng makita ko na nilalantakan na ni Jia ang pagkaing inihanda ko. Hindi man lang ako inalok nito. "Winasak mo na nga ang puso ko pati ba naman sa pagkain paluluhain mo pa rin ako?" "Ay, iba si Joshua ngayon. Highest level ang pag-e-emote. Teka, iba yata ang epekto sa'yo ng stage play. Mukha kang timang." Tumawa si Jia ng ubod lakas. Sanay na ako sa pang-aasar niya kaya balewala na lang sa akin iyon. Si Jia ang tipo ng tao na sasabihin kung ano ang nasa puso niya at bilang magkaibigan simula bata pa ay hindi na kami natatakot sabihin sa isa't-isa ang gusto naming sabihin. "Bakit ka binigyan ng tseke ni Drey Montes? 'Diba siya iyong lalaking muntik makabangga sa'yo sa Divisoria?" sita ko kay Jia. "Imbistigador ka ba? Teka, Sir Mike, ikaw ba iyan?" "Jia, hindi ako nakikipagbiruan. Tinatanong kita ng maayos." "Nanay ba kita?" Pinigilan ko ang galit na nagsisimula ng umalsa. Alam kong inaasar na naman ako ng kaibigan ko. "Jia, ano na namang kalokohang ginawa mo?" Ngunit sa halip na sumagot ay inisang subo lang ni Jia slice bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Alam kong paborito niya iyon pero sa ikinikilos niya ay halatang ayaw niyang magtapat. "Isusumbong talaga kita sa nanay mo kapag hindi ka umamin," banta ko kay Jia. Nagdadabog si Jia sa ibabaw ng kama. Napangiti naman ako. Isip bata pa rin kasi siya minsan. "Kapag nagsalita ka, sasakalin talaga kita! Mahal na mahal noon si Tsong Arvin kaya tiyak ay kukunin niya ang pera ko para sa lalaki niya." "Ano? Pakakasalan mo ako?" hirit ko kahit malinaw kong narinig mag sinabi n'ya. "Asa ka talaga, ano?" inis niyang sagot sa akin. Nang malaman ko ang ginawa niya ay napatingin ako sa kaniyang mukha. Nagagalit ako at gusto kong manuntok. Nanlumo ako sa pagiging desperado ni Jia para lang maging maalwan ang buhay nito. "Isuli mo iyan! Masama iyang ginawa mo!" utos ko sa kaniya. Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. "Ayoko nga. Ibinigay na ito sa akin ni Drey." "Drey? Close na kayo agad? Bakit Drey na lang ang tawag mo sa kaniya?" "Kasi malapit ko siyang maging boyfriend. Gagalingan ko pa ang pag-arte para maging nobyo ko s'ya." Dahil sa narinig ko ay bigla akong napalabas sa silid na iyon. Pabalya ko ring isinara ang pintuan niya. Hindi ko alam kung saan ako nagagalit, sa ginawa ba ni Jia o sa nalaman kong si Jia na mismo ang kikilos para maging nobyo niya si Drey. Umupo akong muli sa harap ng computer. May trabaho ako roon pero mas gusto kong makipaglaro na lang muna. Trash talker ang mga kasama kong gamers. Nang makita ko si Jia na bumaba dala ang tray na inihatid ko sa kaniya, nakipagsabayan ako ng mura sa mga kalaro ko. Sumimangot si Jia. Alam kong dahil iyon sa mga hindi magagandang salita mula sa bibig ko. Natuwa ako ng kaunti. Gusto kong inisin pa siya lalo habang naghuhugas siya kaya mas lako kong nilakasan ang pagmumura. Nasa kainitan na ako ng laro ng maramdaman kong pinukpok ako ni Jia ng tabo sa ulo. Malakas iyon dahilan para mabutas ang tabo na ginagamit namin sa CR. "Kung makapag-mura ka daig mo pa ang nasa impyerno! Ano, ha, gusto mo bang gawin ko talagang naglalagablab iyang buhay mo!" Napakamot na lang ako ng ulo. Magkahalong inis at tuwa ang nararamdaman ko. Wala talagang makakatalo sa Jia ko pagdating sa kamalditahan. "Sinaway mo na lang sana ako, hindi iyong binasag mo pa ang tabo sa CR. Lagot ka kay mama niyan." "Bibili na lang ako ng bagong tabo bukas! Ikaw ang lagot kay tita. Isusumbong kita!" Napakamot ako ng ulo. Kapag nagsumbong si Jia sa mga magulang ko tiyak ang sermon ni mama. At itinuloy ni Jia ang pagpalo sa akin ng tabo. Wala siyang pakialam kahit saan ako tamaan kaya napatayo ako sa harap ng computer at pilit ko iyong inaagaw sa kaniya. Sa kagustuhan kong makuha ang tabo ay hindi ko na namalayan na yakap ko na pala siya at halos wala ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Naramdaman ko ang padaloy ng dugo sa aking mga ugat papunta sa aking mukha at sa gitna ng aking hita. Ang mga mata ni Jia ay nakatutok lang sa akin habang bahagyang nakabuka ang kaniyang labi. Daig ko pa ang nag-aapoy sa lagnat. Nasa ganoon kaming eksena ng dumating si Tony. Isa sa mga tambay sa lugar namin. Humahangos ito at hindi halos makapagsalita. Agad kong binitiwan si Jia. Nahihiyang lumayo ako sa kan'ya at pinagbuksan ko si Tony ng screen door. "Jia, si Aling Emelia, dinala sa hospital!" balita ni Tony. "Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko. "Ayon, ginawa na namang punching bag ng ama-amahan ni Jia," sagot ni Tony. Mabilis na nakalabas ng bahay si Jia at tsinelas ko ang naisuot nito. Mabilis kong inayos at isinarado ang bahay bago ko siya sinundan. Sa eskinita ay may umpukan ng mga tsismosa. Alam ko na kung sino at ano ang pinag-uusapan nila. Si Aling Berna na mama ni Amanda ang may pinakamalakas na boses sa grupo nila. "Nakita raw kasi ni Emelia si Arvin na may kasamang babae kaya sinugod n'ya. Binugbog tuloy siya ng asawa niya," kwento nito. "Talaga, mare? Sino ang may sabi niyan?" tanong ni Aling Tesya. Isa ring dakilang taga-bantay ng mga buhay ng tao sa lugar namin ang babae. Hindi ko na narinig pa ang isinagot ni Aling Berna. Malalaki kasi ang mga hakbang ko habang nakasunod kay Jia. "Saan daw ba dinala ang mama mo?" tanong ko sa kababata ko ng naabutan ko siya. "Sa Ratondo Hospital daw. Huwag ka na munang sumabay sa akin. Pakikuha ng cellphone at pera ko sa silid na tinutuluyan ko. Sundan mo ako doon, ha." Nang humawak sa kamay ko sa Jia, dama ko ang takot sa puso niya. Tumawag muna ako ng tricycle at pinasakay siya bago ako bumalik ng bahay. Nakasalubong ko pa si Mang Arvin na sumisigaw sa gitna ng kalsada at nanghahamon ng away. Hindi ko siya pinansin kahit naiinis ako sa kaniya dahil para sa akin ay isang karuwagan ang manakit ng babae. "Joshua, tulungan mo naman ako!" sigaw ni Amanda mula sa gilid ng kalsada. Napakamot ako ng ulo. Kung kailan naman ako nagmamadali ay saka naman sumulpot ang isang kaibigan ko. May dala itong nasa kinse kilos na bigas kaya hirap itong maglakad. Mukhang malaki ang tip na nakuha niya sa bar na pinapasukan niya. "Wrong timing ka naman. Nagmamadali ako." "Sus! Si Jia na naman iyan, ano? Sige na, tulungan mo na ako. Mabilis lang naman ito." Nakita kong namumula na ang kaniyang mga palad kaya napilitan na akong buhatin ang bigas. Pagdating sa kanila ay pinapasok niya ako para mailagay sa kusina ang dala ko. Sa biglang paglingon ko ay nagulat na lang ako na halos magkadikit na ang aming katawan. Umurong ako bahagya ngunit napatid ang mga paa ko sa plastic ng bigas na dala ko kanina. Inagapan ako ni Amanda ngunit ng makita ko iyon ay lalong bumagsak ako. Alam kong inaakit ako ni Amanda sa nakalitaw na halos na dibdib nito at sa napakakinis nitong hita. Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng bahay nila ngungit bago ko pa narating ang pintuan ay nakasalubong ko si Aling Berna. "Joshua, pawis na pawis ka ata! Mabilisan ba ang ginawa n'yo ng anak ko?" Nanlamig ako. Iba ang pakahulugan ni Aling Berna sa tinuran nito at alam ko ang gusto niyang sabihin. "Tinulugan ko lang po si Amanda na dalahin ang bigas n'yo," paliwanag ko kahit hindi ako tinatanong. Ngumiti ng makahulugan si Aling Berna habang mabilis akong lumabas sa bahay nila. Hindi ko na nilingon si Amanda. Wala kasi sa plano ko ang bigyan si Jia ng dahilan para layuan ako dahil ang puso ko ay tumitibok lang dahil sa kaniya. Subalit hindi pa ako nakakalayo ng sumigaw si Aling Berna. "Okay lang sa amin ang patikim-tikim, Joshua. Pero masarap siya at tiyak hindi mo makakalimutan!" "Oo, nga Joshua. Masarap talaga talaga siya." Binitin mo lang ako!" sigaw din ni Amanda. Napalingon ako sa paligid. Ang mga mata ng mga tao ay nakatutok sa akin. Ngunit hindi lang iyon ang inabot ko dahil sa simpleng pagtulong. Isang matalas na kutsilyo ang nakatutok din sa tagiliran ko, dahilan ng pagsalubong ng aking mga kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD