CHAPTER 4

1755 Words
JIA'S POV Nanghihina ang tuhod ko dahil sa itsura ng kaharap ko. Napakagwapo nito sa itim na tuxedo. Ang buhok niya ay maayos na sinuklay. Napakakinis ng balat niyang dinaig pa ang kutis ng babae. Pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras. "Miss, okay ka lang ba? Dahil ba sa nangyari kahapon kaya ka nagkakaganyan?" nag-aalalang tanong ni Drey. "Ah, hindi ako sigurado pero masama talaga ang pakiramdam ko." Pinanindigan ko na ang sitwasyon. "Ang totoo, gusto lang kitang komprontahin pero ito na nga ang nangyari." "Dal'hin na kita sa ospital," sabi ni Drey. Tumingin ako sa mga mata niya. Gusto ko na talagang magpakarga sa gwapong lalaking nasa harapan ko pero baka masayang ang drama ko kapag nangyari iyon. "Sir, may meeting pa ho kayo with the investors," sansala ng assistant ni Drey. "Nevermind, kaya ko na siguro ito. Magpapasama na lang ako sa mga kaibigan ko papunta sa doctor," kunwari namang tanggi ko. "Are you sure?" "Yes, I am," mabilis kong sagot pero kumapit ako sa kaniya para ipakita na hinang-hina talaga ako. "Alalayan mo siyang makasakay at dal'hin mo sa ospital," utos ni Drey sa assistant niya. Kininditan ko sina Pia at Rochelle at nakuha naman nila ang mensahe ko. "Sir, kami na lang po ang bahala sa kaibigan namin," wika ni Pia. " But I want to make sure na…" "Sir, please, we have to go. The investors are waiting," sabi ulit ng assistant ni Drey. "Okay, take it." Kumuha si Drey ng card sa wallet niya. "Here is my calling card. Call me anytime if you need help." Sobrang disappointed ako ng kunin ko ang card sa kaniya. Mukhang masasayang yata ang full drama acting ko. "Sir, pasensya na pero wala kaming pambayad sa hospital. Anak mahirap si Jia. Dahil kayo naman po ang nakabangga sa kaniya kahapon baka pwedeng kayo ang magpagamot sa kaniya," wika ni Pia. "Ah, yes. No problem." Nakita kong pumirma si Drey sa isang papel. Ibinigay n'ya iyon sa akin pero dahil nanghihina ako kunwari ay inabot iyon ni Rochelle sabay inalalayan ako. "What is your name again?" tanong ni Drey sa akin bago sumakay ng sasakyan nito. "Jia po ang pangalan niya, sir." "Okay, call me anytime," maikling tugon ni Drey. Pagkaalis nila ay kunwaring inalalayan ako nina Pia at Rochelle palabas ng campus. Pagkasakay namin ng tricycle ay agad kong kinuha kay Rochelle ang tseke. Namilog ang aking mga mata ng makita ko kung magkano ang laman noon. Napatili rin ang mga kaibigan ko ng masilip nila ang 50,000 pesos na nakasulat sa maliit na papel na hawak ko. Ilang beses akong nag-sign of the cross. Wala akong pakialam kung sabihin nilang mukhang pera ako pero sa ngayon, ito ang kailangan ko para mabuhay dahil wala akong magulang na pwedeng asahan. "Baka naman… Kahit 1k lang," biro ng mga kaibigan ko. "Maghintay kayong mapapalitan ko iyan. May milk tea kayo sa akin," sagot ko. "Milk tea lang?" "Anong lang? Mahal ang milk tea! At dahil kasabwat ko kayo sa kagaguhang ito, may tig-1K kayo sa akin." Masayang nag high five ang dalawa kong kaibigan. Mga mukhang pera din kasi ang mga ito palibhasa'y lumaki rin silang napabayaan ng magulang. Pagdating ng bahay nina Joshua ay pasipol-sipol ako. Naabutan ko siya na nakatutok sa computer. Napabuntong-hininga na lang ako. Mahal ko talaga ang lalaking ito pero dahil dropout siya at mahina talaga ang ulo sa school kaya sobrang turn-off ako sa kaniya. "Jia, mahal kong asawa nandito ka na pala." Napasimangot ako sa bati ni Joshua sa akin. "Asawa? Hmmp! Maghihiwalay na tayo," sabi ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at walang sabing ikinulong ako sa mga bisig niya. Hindi ako nakakilos ng mga oras na iyon. Bago sa akin ang ginawa niya dahil sa ilang beses kong pagiging sampid sa bahay nila ay hindi niya pa ginawa iyon kahit kailan. "Joshua, baka makita na naman tayo ng mama mo." "Huwag kang mag-alala. Tayong dalawa lang dito sa bahay," bulong niya sa punong-tainga ko. Parang tumigil ang mundo ko ng mga oras na iyon. Unang beses akong niyakap ni Joshua at aaminin kong halos ayaw ko ng matapos pa ang sandaling iyon. "I love you." Kinilabutan ako sa aking narinig kaya agad kong naitulak ang matalik kong kaibigan. Sa halip na bitawan ako ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Bigyan mo ako ng pagkakataon. Ilang sandali na lang ay maayos ko na rin ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para sa'yo," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Kinilig ang puso pero napadako ang tingin ko sa computer. Nakita ko roon ang nilalaro ni Joshua. May rank game na naman sila ng mga tropa niya. "Instead na iyan ang sabihin mo sa akin ay mas mabuting pag-aralan mo akong kalimutan. Kahit kailan ay hindi kita matututunang mahalin lalo na at wala kang pangarap man lang sa buhay mo. Hindi mo ako mapapakain ng online games mo," mahabang litanya ko. Pinilit kong kumawala kay Joshua. Batid kong nasaktan siya sa aking mga sinabi pero kahit mahal ko siya ay hindi ko gustong maging asawa ng isang taong inuubos ang oras sa paglalaro lamang. "Jia, umakyat ka na. Magpahinga ka muna. Ipagluluto kita ng merienda." Hindi ko pinansin si Joshua at tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto kung saan ako natutulog. Kinuha ko ang calling card na ibinigay ni Drey at nilaro-laro iyon sa aking mga kamay. May pilyang ngiti na nakamarka sa aking labi. Inilabas ko rin ang tseke at masaya ko iyong iwinagayway sa ere. Bukas na bukas ay maghahanap ako ng bahay na pwedeng upahan upang hindi na magalit ang mama ni Joshua. Tiningnan kong mabuti ang numero sa calling card. Sa mga tingin sa akin ni Drey kanina ay alam kong nakuha ko ang atensyon n'ya. Kakaiba rin ang nararamdaman ko sa lalaking iyon kaya batid kong kaunting diskarte lang ay pwedeng makarelsyon ko siya. Hindi na ako magpapakipot pa. "Hello," nanuot sa tainga ko ang malamig na boses ni Drey sa kabilang linya. Tumagos ito hanggang sa kaluluwa ko. Ako na ang unang tumawag para malaman niya ang number ko. Walang mahinhin na babae sa taong nangangailangan. "Hi," nahihiya ko kunwaring turan. Nagdalawang-isip ako kung ano ang sasabihin ko. "Yes, who's this?" "Jia po, sir," pagpapakilala ko. "Jia? Yeah, how are you?" "Sir, nakalabas na po ako ng hospital," pagsisinungaling ko. "Shock at stress lang daw po ang dahilan kaya medyo nahihilo ako sabi ng doktor." "Good to hear that." "Ahm, sir. Isasauli ko po sana iyong pera. Sobrang laki po kasi noon. " Napakagat labi pa ako habang nakapikit ng mariin. Nananalangin ako na sana huwag niyang kagatin ang drama ko. Sayang ang fifty thousand kapag nangyari iyon. "Sir? Po?" Narinig kong tumawa siya ng mahina. "Stop calling me sir. Drey, just call me, Drey. And about the money- it's yours." Gusto kong sumigaw ng ubod lakas ng mga oras na iyon. Mayaman na, mabait pa si Drey Montes. Ito ang lalaking gusto kong makasama kaya gagawin ko ang lahat mapalapit lang sa taong ito. "Jia, are you still there?" tanong ni Drey ng hindi ako sumagot. "Yes, sir. Drey, ahm… Yes, I'm still here." Tumawa ulit siya ng mahina. Ang tawa n'ya ay parang dinadala ako sa alapaap. Nakakakillig iyon na kahit hindi ko siya nakikita ay naglalaro ang imahe niya sa isip ko. Kaunting kwentuhan pa bago ako nagpaalam kay Drey. Alam kong hindi iyon ang magiging huling pag-uusap namin dahil tiniyak niya iyon sa akin. Wala pa man ay nasasabik na akong marinig muli ang boses niya. Nahiga ako sa kama ng nakadipa. Bakas sa mukha ko ang kaligayahan. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako at pumasok si Joshua sa kwarto. Mataman akong tinitigan ni Joshua habang nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman kong hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Kinuha niya ang calling card sa mga kamay ko, ganoon din ang tseke na nasa tabi ko. Madilim ang mukhang binasa niya ang pangalan ni Drey doon at walang ano-anong hinalikan niya ako sa labi. My god, ang puso ko ay halos lumabas sa kinalalagyan nito. Hindi ako tulog. Nagising ako ng tumunog ang pintuan. Nagkukunwari lang ako para huwag akong istorbohin ng mokong na lalaking ito pero pinagsamantalahan niya ang pagiging birhen ko. "Mahalin mo naman ako, Jia. Pwede bang ako na lang? Huwag ka nang tumingin sa iba. Ako na lang Jia, please ako na lang." Noon ko iminulat ang mga mata ko at hinampas ko siya sa dibdib niya. Napakalapit niya sa akin na kaunting kilos lang ay pwede niya akong mahalikan ulit. "Ang drama mo naman! Natutulog ako, ang ingay mo!" kunwari ay galit ako pero kinikilig ako hanggang langit. "Naririnig mo ako?" "Bakit? Mukha ba akong bingi? Nakita ko lahat at narinig ko ang drama mo. Letse ka, ilang beses mo na ba akong pinagsamantalahan? Virgin pa ko pero iyong mga labi ko ay hindi na dahil sa'yo." Nahihiyang lumayo sa akin si Joshua. Iniiwas n'ya rin sa akin ang kaniyang mga mata. Oh, s**t! Gusto kong sabihin sa kaniya na ituloy niya ang drama at pwede n'ya akong halikan muli pero humakbang na siya palabas ng kwarto. "Sorry, Jia. Practice lang iyon. Balak ko kasing mag-audition sa stage play na gaganapin sa fiesta." Tumigil si Joshua sa pintuan at humarap sa akin. "Ano ang labi ko ang ginawa mong praktisan. Joshua, libo ang katumbas ng labi ko. May pambayad ka ba?" "Saka na ang bayad. Kapag nanalo ako sa pustahan sa laro namin mamaya, ililibre kita." Sobrang disappointed ako sa aking narinig. Namula ang mukha ko dahil sa samot-saring emosyon na lumukob sa akin. "Lumabas ka na nga! Inistorbo mo ang tulog ko dahil sa malamya mong drama!" sigaw ko "Pasado ba? Sa tingin mo ba ay aangat ang galing ko sa drama?" "Hindi! huwag kang umaasa na mapipili ka pa nila. Lumabas ka na sabi!" Hindi siya kumilos sa may pintuan. Nanatili siya roon ng ilang minuto habang panay ang talak ko. "Iyong mga sinabi ko, totoo iyon, ha. Mahal talaga kita," sabi nii Joshua sa akin. "Sorry my best friend, hanggang magkaibigan lang talaga tayo." "Magbabago pa iyang isip mo. Liligawan pa rin kita." Sinabayan ni Joshua ng kindat ang sinabi nito. Wala na si Joshua sa pintuan pero nakatitig pa rin ako roon. Wala sa loob na hinaplos ko ang aking mga labi. Hinihiling ko na sana huwag matalo ng puso ko ang aking isip para matupad ko ang aking mga pangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD