JIA'S POV Wala kaming imikan ni Joshua habang pauwi kami. Iniisip ko kung para saan ang tseke at mga papel na nasa lamesa kanina. Alam kong hindi naman iyon maiintindihan ni Joshua lalo at Ingles ang salita roon. Hindi rin mawala sa isip ko ang mukha ng lalaki dahil nagkukumahog itong umalis agad. Pakiramdam ko ay natakot siya sa akin kahit mukha na siyang nasa singkwenta. Si Ve ay nagpaiwan na sa fast food restaurant dahil may mga kilala siyang nakita roon. Alam kong kunwari lang iyon dahil siniko n'ya pa ako kanina. Ibig sabihin, gusto n'ya kami ni Joshua na magkaroon ng oras para makapag-usap. Hinihintay ko si Joshua na magpaliwanag sa pagsisinungaling niya ngunit wala yatang balak magsalita ang mokong na kasama ko. Bawat isang taong bumabati sa kan'ya ay sinasagot n'ya. May mga pa

