JIA'S POV Naiingayan ako sa tunog ng doorbell. Hindi ko alam kung sino ba ang nasa labas lalo at wala naman akong inaasahang bisita. Marahan akong lumapit sa pintuan at saka sinilip kung sino ang aking bisita. Napaawang ang aking mga labi ng mapagsino ko ang dumating. "Good evening, Miss Jia," bati ng assistant ni Drey. "Ihahatid lang po namin itong mga pinabili ni sir para po sa inyo." "Sa akin ba ang lahat ng ito? Pero wala akong sinabi sa kaniya na kailangan niyang bilihin para sa akin." "Ako man po ay nagtataka. First time po ni sir na bumili ng mga gamit para sa isang babae. You are special to him, I guess," nakangiting sabi ng assistant ni Drey. Tila tuwang-tuwa ito sa kaniyang nakikita. "Baka nagkakamali ka lang," sabi ko. "Hindi, Ms. Jia. Utos po ni sir na ihatid ang mga

