CHAPTER 2

1483 Words
JIA’S POV    Nagpaalam ako kay Joshua at sa mga magulang niya na kung pwedeng sa kanila muna ako. Sa tuwing pinalalayas ako ni nanay ay palaging sa kanila ang punta ko. Linggo ngayon kaya nasa bahay nila sina tito at tita. Sa totoo lang, mas pamilya pa ang tingin ko sa kanila kesa sa mga kadugo ko.    Mabuti na lang at binigyan ako ng isang libo kanina ni Joshua. Ito na lang muna ang gagamitin kong bagong puhunan. Bwesit kasi ang asawa ng nanay ko, pahirap talaga sa buhay. Palagi niyang ninanakaw ang pera ko.    "Huli na ito, Jia. Naaawa lang talaga kami sa'yo kaya pinatutuloy ka namin dito pero masyado ng kalat ang tsismis sa kanto na kayo na nitong anak ko."   "Naku po, tita, hindi po totoo iyan!"   "Ayaw mo pa kasi akong sagutin," sabi ni Joshua  "Sana'y hindi na lang tsismis ang lahat, 'diba?"   "Tita oh, ang anak n'yo po kung makapag-sabi sa akin ng gan'yan akala siguro kaya n'ya na akong buhayin."   "Ang sakit n'yan Jia. Yayaman din ako, oy!" reklamo ni Joshua ng marinig ang pagsumbong ko sa mama niya.   "Naku magsitigil nga kayong dalawa riyan. Simula mga bata pa kayo ay lagi na lang kayong ganyan." Naiiling si tita habang sinasabi iyon.    Sa bahay nina Joshua ay may nakalaang kwarto para sa akin. Anak na rin kasi ang turing sa akin ng mga magulang n'ya. Kung ako lang, mas gusto kong matulog dito kesa sa bahay. Doon kasi matigas na sahig ang tulugan ko. Hindi ko pa maiunat ang katawan ko dahil 5'4 feet ang tangkad ko at maliit na espasyo lamang ang hinihigaan ko.    Tinanong ako ni Joshua kung ano ang plano kong gawin tutal ay linggo naman. Gusto ko sanang pumunta ng Divisoria kaya lang ay wala akong pera bukod sa isang libong ibinigay niya. Inilabas ko sa kaibigan ko ang lahat ng sama ng loob ko kay nanay at sa stepfather ko.    "Magkano ba ang kailangan mo?" tanong niya sa akin pagkatapos kong magdrama sa harapan niya.    "Bakit may pera ka?"   "Wala! Mangungutang ako para sa'yo."   "Tapos ako ang magbabayad, gano'n? Huwag na lang!"   Pinagtawanan ako ni Joshua. Alam niya kasing takot na takot ako sa utang. Ngunit narinig pala ng papa niya ang usapan namin kaya inalok ako ni tito ng limang libo. Tumanggi ako kahit na gusto ko iyon dahil nahihiya ako sa kanilang mag-asawa.   "Jia alam ko namang kailangan mo ng pera para pampuhunan. Oh, ito kunin mo." Inabot sa akin ni tito ang pera.    Dahil mapilit ang papa ni Joshua ay hindi ko na tinanggihan pa ang datung na iyon. Aba, sayang naman! Malaki rin ang kikitain ko sa perang iyon. Hindi rin kasi ako lulubayan ni tito kung hindi ko tatanggapin ang alok niya kaya kinuha ko na.    Nangako ako sa papa ni Joshua na ibabalik ko kaagad ang pera oras na maibenta ko ang lahat ng mga paninda ko. Payag naman siya roon. Ang sabi pa nga n'ya ay kahit kailan ko na lang ibigay.   Sa halip na magmukmok ako sa loob ng bahay nina Joshua ay nagdesisyon akong ituloy ang pamimili ng paninda. Kapag kaya pa ng katawang lupa ko ay deretso live selling na rin ako mamaya kasi may pasok na ako bukas. Mabuti na lang at nakabili ako ng nakaw na cellphone mula sa isang tirador na kapitbahay. Iyon ang ginagamit ko sa ngayon kahit na medyo sira na ang screen.   Nang malaman ni Joshua na pupunta akong Divisoria ay nagpresenta siyang samahan ako para daw may taga-bitbit ako ng paninda. Nagalak ako ng malaman iyon. Gusto ko kasing palagi siyang nakakasama.   "Pa, ma, magdi-date lang po kami ni Jia." Binatukan ko siya sa sinabi niyang iyon. Si tito ay naibuga ang malamig na tubig na iniinom n'ya.   "Hoy, kayong dalawa ha! Ayusin n'yo ang mga buhay n'yo," galit na sabi ni tito. Bago kami umalis ng bahay ay pinagalitan niya kami pareho.   Sa inis ko kay Joshua ay gusto ko na talaga s'yang iwan habang naglalakad kami. Malapit lang kasi ang tinitirahan namin sa Divisoria kaya hindi na kailangang sumakay pa. Sayang din ang pamasahe.     "Wala pa ngang tayo, LQ agad." Nakasimangot pa kunwari ang loko habang sinasabi iyon.    "Huwag kang umasa sa 'tayo' kung wala kang plano sa buhay mo."   "Grabe ka talaga, Jia. May pangarap din ako ha."   "Ano naman iyon?"   "Pangarap kong makapagtapos bilang manliligaw mo, ma-promote bilang fiance mo at higit sa lahat maging asawa mo."   "Ang punyetang ito! Hoy, lalaki ang taas ng pangarap mo!" Pinandilatan ko ng mata si Joshua.    Walang pakialam na inakbayan ako ng kaibigan ko. Hay, sumayaw sa galak ang puso ko sa ginawa niyang iyon.   "Alam mo mahuhulog ka  rin sa akin," bulong nito sa may tainga ko.    "Asa ka," sagot ko.  Walang diin ang mga katagang iyon dahil iba ang sinasabi ng bibig ko kesa sa bulong ng puso ko.    Dahil malapit lang ang Divisoria kaya agad kaming nakarating doon. Sanay na sanay na ako sa maingay sa lugar na iyon.    "Girl, ang gwapo naman ni fafa." Malanding bulong sa akin ng kabiruan kong tindera.    "Huwag ka, akin iyan," sagot ko sa kan'ya.   "May level na ba?"   "Meron na, sis. Taken and not available," pagsisinungaling ko.    "Sana all may fafa na," sabi niya sa akin."    Ngumiti si Joshua sa amin dahilan para tumili ang supplier kong bakla.    "Oh my god, nalaglag ang panty ko!"   "Huwag kasing panty na walang garter ang suotin mo," sagot ko kay bakla kaya lalo kaming nagtawanan ng mga kausap ko.    Napalingon sa amin ang mga mamimili. Si Joshua na medyo malayo sa amin ay napakunot-noo. Walang kamalay-malay ang pogi kong kasama na siya ang pinag-uusapan namin.    Kinuha ni Joshua ang mga pinamili ko. Kahit may kabigatan na iyon ay parang balewala lang sa kaniya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya malaya ko siyang naoobserbahan habang naglalakad.    Ang malapad niyang balikat, ang muscle niya sa braso, at ang height niyang nasa 5'9 feet ay talagang nagpaparami ng mga paru-paro sa tiyan ko.    "Ate, ang laway mo tumutulo na!" sigaw sa akin ng isang tindera.   Halos lumubog ako sa pasilyo. Napahiya ako ng bonggang-bongga. Gusto kong sugurin ang babae ngunit napalingon na sa akin si Joshua.    "Miss, ayos lang na maglaway sa akin ang girlfriend ko!" Sabi ni Joshua na hindi ko namalayang nakalapit na pala sabay hinalikan ako sa pisngi at mabilis na lumakad papalayo para hindi ko mahampas.    Ramdam kong namula ang mukha ko sa ginawang iyon ni Joshua. Nakayukong lumakad na lang ako at isinumpang hindi na ako dadaan ulit sa pasilyong iyon.    "Girlfriend naman pala kaya ganun na lang kung tingnan ang lalaki," narinig kung sabi pa ng isang tindera.    Nagtatatalon ang puso ko sa ginawang paghalik ni Joshua sa akin. Unang halik iyon na naranasan ko at aaminin kong kinilig ako to the highest level.   "Bwesit na lalaking ito, ipinahiya lalo ako," sa inis at hiya ko ay lumabas ako sa exit at walang sabi-sabing iniwan ko si Joshua.    Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang isang Ferrari na sasakyan. Nasagi ako niyon dahilan para matumba ako sa gilid ng kalsada.    Nagsigawan ang mga tao sa paligid. Ilang saglit lang ay may bumabang isang lalaki mula roon. Halos mawalan ako ng ulirat ng makita ko siya.    "OMG, nasa langit na ba ako?" tanong ko sa aking sarili sabay tapik-tapik ko ng aking noo.    "Miss, are you okay?" tanong sa akin ng lalaki. Ang boses niya ay parang boses ng paborito kong DJ. Ang mga mata niya ay para bang nangungusap at tila ba inaarok ang nasa isip ko. Ang mga labi niya sa pakiwari ko'y kay sarap halikan. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako.    Bigla kong naisip na hindi ako dapat magpadala sa itsura ng lalaking nasa harapan ko. Tumayo ako at galit ko siyang hinarap.    "Hoy! Nakasakay ka lang ng sasakyan mo ang yabang mo na!"   "Am I boastful? Wait, miss…" naguguluhang sagot sa akin ng lalaki.   "Huwag mo akong ma-ingles-inglis! You f*****g Filipino na feeling Amerikano, speaking inglash-inglash to the highest mountain of Arayat," dakdak ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon pero na-imbyerna ako kunwari sa kaharap ko para takutin siya.    "Miss, ang layo na yata ng narating mo. Baka lumagpas ka pa ng Mt. Apo at makarating ka sa Mt. Everest," nakangiting turan nito.   Iyong puso ko ay parang tinatambol ng mga oras na iyon. Grabe ang yummylicious ng nasa harapan ko pero kailangan kong magtaray para hindi niya mahalatang na-love-at-first-sight yata ako sa kaniya.    "Wow! Ang witty! Congratulations! Award na award ang script mo! Next?" mataray kong supla sa lalaki.    "By the way, I am…" inilahad ng lalaki ang kamay niya.    "Jia, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Joshua. Masama ang tingin nito sa lalaking nasa harapan ko at tila ba sinusukat ito.    Dumilim ang mukha ng nakabundol sa akin at masama ring tiningnan ang kaibigan ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD