JOSHUA'S POV Nasa second floor ako ng isang shopping mall sa Divisoria ng hindi sinasadyang nakita ko si Jia. Tumalon ang puso ko sa labis na tuwa lalo na at nakita kong masaya siya. Wala akong ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kun'di ang yakapin siya at sabihin sa kan'yang hindi ko siya pababayaan. Mabilis ang mga hakbang na sumakay ako ng escalator paakyat ng third floor kung saan siya naroroon ngunit ng nasa kalagitnaan na ako ay nakita at nakilala ko ang kasama niya. Ang sakit na parang bilang hiniwa ng kutsilyo ang aking puso. Biglang naumid ang aking dila at bumalik sa alaala ko ang text na ipinadala niya sa akin. Totoo nga, magkasama na sila ni Drey. Unang pagkikita pa lang namin ng lalaking ito ay hindi ko na siya gusto. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil sa ma

