JIA'S POV Nanlaki ang mga mata ko sa mga grocery items na ipinasok isa-isa ng mga lalaki. Hindi ko alam kung paano kung uubusin ang lahat ng iyon. Maging sina Rochelle at Pia ay manghang-mangha habang pinanonood ang bawat galaw ng mga kalalakihan. Sila ang kumatok kahit may doorbell naman ang condo unit ni Drey. "Grabe, Jia, ang bangis ng nakuha mong fafang. Baka may extra pa riyan, bahagian mo kami," naiinggit na wika ni Rochelle. "Nag-iisa lang si Drey. Kung gusto n'yo bukas pag-uwi n'yo magdala na lang kayo ng mga pagkain na iyan kasi hindi ko naman mauubos iyan," sabi ko. Tuwang-tuwa na nagpalakpakan ang mga kaibigan ko. Nakangiti ang labi ko ngunit hindi umabot iyon sa mga mata ko. Nag-aalala kasi ako. Paano kapag dumating ang panahon na hindi ko maibigay kay Drey ang puso ko

