JIA'S POV Nakapamewang at walang kangiti-ngiti ang tiyahin kong nakaabang sa gate ng Miyac. Nagdalawang-isip ako kung magmamano ba ako sa kan'ya o hindi. Naramdaman ko ang paghawak ni Joshua sa kamay ko. Nagbubulungan naman ang mga tsismosa sa paligid. Nilampasan ko si Tiya Minda na parang hindi ko nakita. Hahablutin niya sana ako ng iniharang ni Joshua ang katawan n'ya kaya hindi n'ya ako saktan. "Subukan n'yo pong saktan si Jia at siguraduhin kong pagsisisihan n'yo iyan," mariing sabi ni Joshua sa tiyahin ko. Nanlilisik ang mga matang tumingin muna sa akin si tiya bago sumakay ng tricycle. Wala akong pakialam sa kaniya kaya hindi ako nagtanong kung saan siya pupunta. "Manang-mana sa ina niya, malandi," rinig kong sabi ng isa sa mga nasa umpukan. Sasagot sana ako ngunit bumulong s

