Chapter 2- Princesa ng skwater

981 Words
Pagod at tila lutang ang isip na umuwi si Athena sa kanilang maliit na bahay kinabukasan. Ngunit pagpasok niya sa pintuan, agad na nawala ang aura ng pagiging nursing student. Hinubad niya ang maruming uniporme at isinabit ito sa likod ng sira-sirang pintuan. “Athena! Ang aga-aga, nakahilata ka na naman? Maglaba ka naman ng mga damit mo!” bulyaw ng kanyang ina mula sa kusina habang nag-aayos ng mga panindang kakanin. “Nay, scholar ako, hindi labandera,” sagot ni Athena habang nakapikit at nakadapa sa kanilang lumang sopa. Itinaas niya ang mga paa niya at tila naghihintay ng magsisilbi sa kanya. “Pagod ako, Nay. Hayaan niyo muna akong magpahinga.” Kahit nahihirapan sa buhay, si Athena ay kumikilos sa bahay na parang prinsesa na naghihintay ng utusan. Ayaw niyang kumilos para sa mga gawaing bahay, ngunit sa pag-aaral, siya ang nangunguna. Alam niya na ang kanyang isipan ang tanging tiket palabas ng hirap. Kinuha niya ang kanyang luma ngunit maayos na cellphone at tiningnan ang kanyang bank account online. Napabuntong-hininga siya. Ang kakarampot na allowance mula sa scholarship ay hindi sapat para sa mga luho na gusto niya. Gusto niya ng designer bags, mamahaling make-up, at buhay na hindi amoy usok ng tambutso. Biglang pumasok sa isip niya ang imahe ni Doug Geller sa wheelchair nito. Nanalaytay ang amoy ng mamahaling alak at mga magagarang gamit sa kwarto nito, kasama ang kapangyarihan ng matanda sa kabila ng kanyang kalagayan. “Nursing student, ipakita mo sa akin kung gaano ka kadesperadang makapagtapos ng pag-aaral.” Nanayo ang balahibo ni Athena. Naalala niya ang pakiramdam ng mainit na balat ni Doug. Alam niyang mapanganib ang laro ni Doug, ngunit alam din niyang hawak ng matanda ang susi sa buhay na pinapangarap niya, ang buhay na hindi niya makukuha sa pagiging top student lamang. “Gagamutin kita, Sir Doug,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa butas-butas nilang kisame. “Pero sisiguraduhin kong babayaran mo ako nang higit pa sa inaasahan mo.” Napangisi si Athena. Hindi lang talino ang gagamitin niya ngayon. Kung kailangan, magiging desperada siya para yumaman. Para sa isang babaeng sumasamba sa pera, ang impiyerno ni Doug Geller ay tila isang paraiso na punong-puno ng ginto. Sa kabila ng kanyang katamaran, hindi maalis ni Athena ang isipin ang imahe ni Doug Geller. Singkwenta anyos na ito, isang edad na tanda na sa iba, ngunit para kay Doug, ito ang rurok ng kanyang p*********i. Ang pagiging dating opisyal ng Marines ay bakas sa bawat hibla ng kanyang maskulado at matipunong katawan. Mestizo ito, may matangos na ilong at panga na tila ipininta, bunga ng kanyang banyagang lahi. Verde ang mga mata nito na tila nag-aalab kapag tinititigan siya. Kahit nasa wheelchair, ang aura ni Doug ay hindi parang may sakit kundi gaya ng makapangyarihang leon na nagpapahinga. Ang kanyang sikat na seaside restaurant ay tanaw mula sa malayo, simbolo ng yaman na ilang metro lang ang layo mula sa dampa nina Athena. Magkapitbahay lang sila, ngunit ang pader ng VIP Billionaire Village ay tila isang malaking bangin na naghihiwalay sa kanilang mga antas. Napatigil ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig ang ugong ng motor sa labas. Si Jayson. Pumasok ito sa kanilang bahay nang hindi man lang kumakatok. Si Jayson ay anak ng isang engineer na nagtatrabaho sa loob ng village. Gwapo ito at may kaya sa buhay, ang tanging lalaking nakakalapit sa kanya dahil sa kanyang status. “Babe, ang aga mo yata nakauwi?” bungad ni Jayson at agad na tumabi sa kanya sa lumang sofa. Amoy mamahaling pabango ito, ngunit para kay Athena, parang walang katulad ang amoy nito sa masculine scent ni Doug na naamoy niya kahapon. “Pagod ako, Jayson. Maraming ginawa sa duty,” matabang na sagot ni Athena. Hindi nakinig si Jayson. Nagsimula itong humalik sa kanyang leeg, ang mga kamay ay dahan-dahang gumagapang sa kanyang baywang. “Miss lang kita. Sobrang init naman dito sa inyo, tara na sa kwarto mo… sige na, babe.” Ramdam ni Athena ang pangungulit ng nobyo. Alam niyang gutom ito sa atensyon at katawan niya. Ngunit habang nararamdaman niya ang labi ni Jayson, ang pumapasok sa isip niya ay ang mapang-uyam na boses ni Doug Geller. “Ipakita mo sa akin kung gaano ka kadesperado…” Biglang nandidiri si Athena sa simpleng halik ni Jayson. Pakiramdam niya, masyadong mura ang alok ng nobyo kumpara sa laro ng matanda sa mansyon. “Jayson, stop it,” matigas na sabi ni Athena sabay tulak sa dibdib ng lalaki. "Bakit ba? Boyfriend mo naman ako, ah? Ilang buwan na tayong ganito, hanggang dila at haplos na lang ba tayo palagi?" nayayamot na sabi ni Jayson. “Sinabi ko na sa'yo, hindi pa ako handa. At saka, ang dumi-dumi ko, galing ako sa hospital,” pagdadahilan niya. Ang totoo, itinatago ni Athena ang sarili para sa isang mas malaking premyo. Bakit niya ibibigay ang lahat sa isang anak ng engineer, kung ang mismong Hari ng village ay nakatingin na sa kanya? Si Douglas Geller ang may-ari ng Village, noh! “Umalis ka na muna. Masama ang pakiramdam ko,” pagtataboy niya. Padabog na tumayo si Jayson. “Ewan ko sa'yo, Athena. Napaka-arte mo. Akala mo kung sinong prinsesa, eh dito ka lang naman nakatira sa tabi ng kanal.” Nang makaalis si Jayson, hindi nagalit si Athena. Sa halip, napatingin siya sa direksyon ng mansyon ni Doug Geller. Ang bawat insulto ni Jayson sa kanyang kahirapan ay tila panggatong sa kanyang ambisyon. “Prinsesa sa kanal ngayon,” bulong ni Athena habang hinahaplos ang sariling labi. “Pero bukas, sisiguraduhin kong sa seaside restaurant mo na ako maghahapunan, Doug Geller.” Hindi niya ibibigay ang sarili kay Doug, hayaan na munang magpantasyang ang matanda. Di ba, mas thrilling yun? Baka akalain pa ni Doug ay napakamumurahin niya kung ibigay na lamang siya rito. Virgin siya, kaya imported siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD