PINUPUNASAN ni Daphne ang kanyang buhok gamit ang puting tuwalya nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto niya. Bahagya namang kumunot ang noo niya ng sandaling iyon habang nakatitig siya sa nakasarang pinto. Tumayo naman si Daphne mula sa pagkakaupo niya sa gilid nang kama at naglakad siya patungo sa pinto para pagbuksan naman niya kung sino ang kumakatok sa kwarto niya. Pagbukas naman niya ng pinto ay hindi niya napigilan ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya si Alessandro na nakatayo sa labas ng kwarto niya. Hindi nga din niya napigilan ang pag-awang ng kanyang labi sa sandaling iyon. Napansin naman niya na titig na titig ito sa kanya sa sandaling iyon. Pasimple naman niyang itinakip sa dibdib niya ang hawak na tuwalya. Sigurado ka

