"DAPHNE, paki-abot sa akin iyong asin," utos nang Mama ni Daphne sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang lagayan ng asin at saka niya iyon inabot sa Mama niya. Nasa bahay na si Daphne nang sandaling iyon. Actually kanina pa siya do'n, hindi naman kasi sila maghapon ni Ara sa Mall. Pagkatapos nilang mag-shopping at kumain na dalawa ay umalis na din sila. At dahil may driver siya ay naghiwalay na din silang dalawa sa may Mall. Hinatid naman siya ng tauhan ni Alessandro sa bahay nila. At nang maihatid siya nito ay do'n lang naman ito umalis. Inakala pa nga niya na hihintayin pa siya nito do'n. Pero hindi na pala. "Next time, Daphne ay tuturuan kita kung paano magluto para maipagluto mo din ang asawa mo," mayamaya ay wika ng Mama niya sa kanya. Alam kasi ng Mama niya na hindi siya marunong

