DALAWANG araw na ang lumipas simula noong may nangyari sa kanilang dalawa ni Alessandro. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay nag-file ulit si Daphne ng leave absence niya sa trabaho. Nagpahinga kasi siya at bago siya pumasok sa trabaho ay siniguro mo na niya na nawala na ang mga pasa at bite mark niya sa katawan. Lalo na iyong mga marka na hindi niya kayang takpan gaya na lang ng sa leeg niya. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay nanatili si Daphne sa mansion ni Alessandro, hindi lang kasi nanakit ang buong katawan niya, hindi lang siya makakilos, nilagnat pa siya. At walang choice ang lalaki kundi alagaan siya nito dahil nasa pangangalaga siya nito. At para hindi mag-alala ang mga magulang niya sa kanya dahil sa hindi niya pag-uwi ay tinawagan niya ang mga ito at sinabing nag-out

