SAKTONG pagkalabas ni Daphne sa banyo ay ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. At sa pag-aakala na baka si Alessandro iyon ay agad siyang humakbang kung saan nakalapag ang cellphone niyang tumutunog. Malinaw pa naman sa isip niya ang sinabi nito na kapag ito ang tatawag ay sagutin niya agad dahil ayaw na ayaw daw nito na pinaghihintay. Mukhang gusto nito na unahin niya ito kaysa anupaman. At nakahinga naman si Daphne ng malalim ng maluwag ng hindi si Alessandro ang tumatawag sa kanya kundi ang kaibigan niyang si Ara. Nang makita niya na ito ang tumatawag ay sinagot niya ang tawag nito. "Hello?" bati ni Daphne kay Ara mula sa kabilang linya. "Hi, Daphne," masiglang ganting bati naman ni Ara sa kanya. "Napatawag ka?" tanong naman niya dito mayamaya kung bakit ito tumawag sa kan

