HINDI alam kung nakailang beses nang buntong-hininga si Daphne nang sandaling iyon. She was nervous habang nasa biyahe silang dalawa ni Alessandro patungo sa lugar kung saan gaganapin ang anibersaryo ng Segreto. Naramdaman nga din niya ang pamamawis ng kanyang kamay. At mas lalo yata siyang nakaramdam ng kaba nang tumigil ang sinasakyan nilang limousine sa isang malaking hotel. Mula sa gilid nang kanyang mga mata ay nakita niyang inayos ni Alessandro ang suot nitong tuxedo, mukhang ready na itong bumaba. At mayamaya ay bumukas ang pinto sa gawi ni Alessandro, binuksan iyon ng staff ng nasabing hotel. Bumaba naman na si Alessandro. Pero sa halip na bumaba din siya ay nanatili lang siya sa loob. Parang may malaking bagay na nakadagan sa kanya dahil hindi niya maigalaw ang katawan. Sigur

