"WHY you didn't tell me?" tanong ni Alessandro kay Daphne nang makapag-solo silang dalawa ng makauwi sila sa mansion galing ng anibersaryo ng organisasyon na pinamumunuan nito. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi habang nakatingin siya dito. Alam kasi niya kung ano ang tinutukoy nito. Alam niya na ang tinutukoy ni Alessandro na hindi niya sinabi dito ay iyong sinabi ni Adriano dito kanina noong nasa hotel sila. Iyong tungkol kung paano sila nagkakilala na dalawa. Hindi nagbigay ng komento si Alessandro sa sinabing iyon ni Adriano pero ramdam niya ang inis nito. Inis siguro ito sa kanya dahil sa hindi niya pagsasabi dito tungkol do'n. Sa katunayan nga ay pagkatapos ng pag-uusap nila ay hindi na siya nito inimik. Para ngang nasira ang gabi nito dahil parang mainit ang ulo nito. At

